(Aprub na sa House panel) CASHLESS TRANSACTIONS TRANSACTIONS SA EXPRESSWAY

RFID

Ito ay isinulong ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma at idinagdag sa House Resolution 159 na humihikayat sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang kaukulang ahensiya na pabilisin ang implementasyon ng phases 2 at 3 ng Toll Interoperability Project.

Ipinalabas ng DOTr noong 2020 ang Department Order 2020012 na nagre-require sa lahat ng toll operators na lumipat sa cashless transactions sa pammaagitan ng paggamit ng RFID upang makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Ngunit ito ay sinuspinde dahil sa problemang kinahaharap ng toll operators at mga motorista.

Samantala, sinabi ni Raoul Romulo, Treasurer at Chief Financial Officer ng San Miguel Corporation Slex Inc., na mapapabilis ng paggamit ng RFID ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng toll booths kumpara sa pagbayad ng cash.

DWIZ 882