(Aprub na sa House panel) TIMBANGAN NG BAYAN

LUSOT na sa komite sa Kamara ang pagtatayo ng Timbangan ng Bayan centers sa lahat ng public at private markets sa buong bansa.

Sa isang virtual meeting nitong Biyernes, inaprubahan ng House Committee on Trade and Industry ang isang unnumbered substitute bill,  na nag-tatakda ng pagtatayo ng Timbangan ng Bayan Center sa lahat ng pamilihan sa buong bansa para protektahan ang mga consumer mula sa “deceptive and unfair sales acts and practices.”

Sa substitute bill ay isinama ang House Bill 3255 sa HBs 4199, 4552, 5060, at 7340.

Ang Timbangan ng Bayan Centers ay magkakaloob sa mga consumer ng epektibong pamamaraan ng pag-check sa accuracy ng timbang at sa dami ng  goods na kanilang binibili.

Sa ilalim ng panukala, ang Timbangan ng Bayan Center ay itatayo sa public at private markets, kabilang ang flea markets, kung saan bubuksan ang mga instrumento sa pagtukoy sa timbang at magiging accessible sa sinumang nais na timbangjn at sukatin nang tama ang mga produktong kanilang binili.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Bulacan Rep. Lorna Silverio, may akda ng bill, na palalakasin ng Timbangan ng Bayan centers ang transparency para sa consumers at ang accountability ng madadayang negosyante.

“I am privileged to sponsor this bill, which was a pet measure of former Speaker Gloria Macapagal- Arroyo. It is my fervent hope that it would be passed this 18th Congress,” sabi ni Silverio.

Sa ilalim ng panukala, ang safekeeping at maintenance ng mga instrumento ay nasa ilallm ng kontrol at pangangasiwa ng market supervisors.

“The market supervisors shall keep a record of every product found to be underweight or substandard, and identify the erring establishment and its owner or manager,” nakasaad pa sa panukala. PNA

3 thoughts on “(Aprub na sa House panel) TIMBANGAN NG BAYAN”

Comments are closed.