IAAKYAT na sa plenaryo ang pagtalakay sa P405.6-billion na Bayanihan 3 bill.
Ito ay makaraang pormal na aprubahan sa joint hearing ng House Committees on Economic Affairs at Social Services ang substitute bill at committee report ng Bayanihan 3.
Ang Bayanihan 3 bill ay magsisilbing ‘lifeline measure’ para maayudahan ang mga mahihirap na pamilya at mga industriyang apektado ng COVID-19 pandemic.
Tanging inamyendahan muna sa panukala ang pondo na posibleng paghugutan para sa Bayanihan 3.
Batid ni Economic Affairs Chair Sharon Garin na hindi dapat galawin ang ‘for later release’ na budget sa ilalim ng 2021 national budget na malinaw na nakasaad sa panukala.
Hahatiin sa tatlong phase ang budget ng Bayanihan 3 kung saan ang phase 1 pa lamang muna ang mapopondohan na maglalaman ng P167 billion.
Ang pondo para sa Phases 2 at 3 ay mananatili naman bilang standby funds, na dedepende pa sa certificate of availability of funds na ibibigay ng Bureau of the Treasury.
Nakapaloob sa Bayanihan 3 ang “Ayuda to all Filipinos” o ang P1,000 na ayuda na ipagkakaloob sa lahat ng 108 million na mga Filipino na ibibigay ng dalawang beses na may pondong P216 billion.
Samantala, dumalo rin si Speaker Lord Allan Velasco, principal author ng Bayanihan 3, sa pagdinig at umapela sa Senado na suportahan ang Kamara sa agarang pagpapatibay ng nasabing ‘lifeline measure’.
Aabot sa 290 kongresista ang nagpalista para maging principal author at co-authors ng Bayanihan 3 bill. CONDE BATAC
45117 929453You need to participate in a contest for among the top blogs on the internet. I will suggest this internet website! 55891
967057 216252Immer etliche Firmen bentzen heutzutage Interimmanagement als innovatives und ergnzendes Gertschaft i. Spanne der Unternehmensfhrung. Denn hiermit wird Kenntnisstand leistungsfhig, bedarfsgerecht und schnell ins Unternehmen geholt. 615643
392005 598127An incredibly intriguing examine, I could possibly not concur entirely, but you do make some really valid points. 961964