(Aprub na sa Kamara) BAN SA INFRA SA PALIGID NG NAT’L LANDMARKS

landmark

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 8829 na layong ipagbawal ang mga imprastraktura na haharang o ‘eye sore’ sa mga national landmark ng bansa.

Sa botong 210 na sang-ayon at wala namang pagtutol ay pinagtibay ang Cultural Property Sightline Act na layong ipagbawal ang anumang real estate development na makasisira sa view, sightline o setting ng  national shrines, monuments, landmarks at iba pang cultural properties ng bansa na kinikilala ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Inaamyendahan ng panukalang batas ang Republic Act 10066 o ang “National Cultural Heritage Act of 2009”.

Inaatasan din ng panukala ang mga local government unit na magpasa ng ordinansa na magbibigay proteksiyon sa cultural property na kanilang nasasakupan.

Ipagbabawal din sa panukalang batas ang relocation o paglilipat at pagbabago sa national historical landmarks, shrines, monuments at sites para bigyang-daan ang development sa lugar na makaaapekto sa visual impact ng cultural properties ng bansa.

Mahaharap naman sa kaukulang parusa ang sinumang lalabag sa oras na ito ay maging ganap na batas.                    CONDE BATAC

2 thoughts on “(Aprub na sa Kamara) BAN SA INFRA SA PALIGID NG NAT’L LANDMARKS”

  1. 24205 682166Following study a few of the content inside your website now, we genuinely such as your technique of blogging. I bookmarked it to my bookmark web website list and will also be checking back soon. Pls have a look at my web-site likewise and make me aware what you believe. 110269

  2. 151167 292536Sounds like some thing plenty of baby boomers really should study. The feelings of neglect are there in numerous levels when a single is over the hill. 555214

Comments are closed.