(Aprub na sa Kamara) CASH AID SA FARMERS

CASH AID-2

INAPRUBAHAN na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagpapahintulot sa Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang rice tariff revenues sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL) para sa cash assistance sa mga magsasaka.

Sa botong 195-0-0, lusot na sa Kamara ang House Bill 9950, o ang proposed Cash Assistance for Filipino Farmers Act.

Binigyang-diin sa panukala ang kahalagahan ng pag-ayuda sa mga magsasaka sa gitna ng kasalukuyang estado ng pagbagsak ng presyo ng palay at ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng panukala, ang DA ay papayagang gamitin ang annual tariff revenues na sobra sa PHP10 billion na direktang nire-remit mula sa Bureau of Customs (BOC) para sa cash aid sa mga magsasaka na nagtatanim sa dalawang ektaryang lupa hanggang 2024.

“This provision to our farmers shall provide them with immediate aid and assistance, most especially during these difficult times.”

Inaatasan sa panukala ang BOC na i-remit sa DA ang naturang sobrang pondo.

Ang lahat ng import duties na nakolekta mula sa rice imports sa ilalim ng RTL ay napupunta sa annual PHP10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Sa datos, ang BOC ay nakakolekta na ng PHP14.6 billion. PNA

219 thoughts on “(Aprub na sa Kamara) CASH AID SA FARMERS”

Comments are closed.