LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala na naglalayong patawan ng parusa ang mga private educational institution na magbabawal sa mga learner na kumuha ng eksaminasyon dahil sa hindi nabayarang school fees.
Sa botong 259, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill 7584 na magpapahintulot sa mga estudyante sa private schools na kumuha ng pagsusulit sa kabila ng hindi nabayarang fees kung ito ay dahil sa emergencies, force majeure, at iba pang justifiable reasons.
Kapalit naman nito ang pangako ng mga magulang o guardian, sa pamamagitan ng promisory note, na magbabayad sila sa itinakdang panahon.
Ang pagpapaliban sa pagbabayad ay hindi rin dapat lumagpas sa school year, maliban na lamang kung papayagan ito ng private basic education institutions.
Pinapayagan ng HB 7584 ang paaralan na huwag bigyan ng clearance at transfer credential ang elementary at secondary learners hangga’t hindi nababayaran ang kanilang utang. Maaari rin silang hindi tanggapin sa susunod na enrollment kung hindi pa bayad sa utang.
Ang mga lalabag ay papatawan ng parusa ng Department of Education alinsunod sa Education Act of 1982 at sa Governance of Basic Education Act of 2001.
Maaari namang maharap sa kasong administratibo o patawan ng disciplinary sanction ng paaralan ang magulang