(Aprub na sa MWSS)TAAS-SINGIL SA TUBIG SA 2023

maduming tubig

INAPRUBAHAN na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hirit na dagdag-singil ng dalawang water concessionaires sa bansa.

Ayon sa MWSS, ang taas-singil ay ipatutupad taon-taon mula Enero 2023 hanggang 2027.

Matapos ang rate rebasing process, ang magiging adjustment ng Manila Water ay nasa P.8.04 kada cubic meter habang sa Maynilad ay P3.29 kada cubic meter.

Ang rate rebasing ay regular na ginagawa ng MWSS kada limang taon para madetermina ang maximum rates na maaaring singilin ng Maynilad at Manila Water para sa kanilang serbisyo.

Sakop ng pagtatakda ng nararapat na singil ng dalawang water concessionaires ang performance review at general tariff adjustment.

Ayon sa Manila Water, ang dagdag-singil ay gagamitin nila sa mga proyekto na naglalayong mapagbuti ang water supply sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Kabilang dito ang Sumag River, na maaaring magdagdag ng 2 mᶟ ng tubig per second sa Angat Dam, na isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.