(Aprub na sa RTWPB) WAGE HIKES SA CALABARZON, CENTRAL VISAYAS

MAS mataas na sahod ang matatanggap ng minimum wage earners sa Region IV-A (Calabarzon) makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P21 hanggang P75 pagtaas sa daily wage sa rehiyon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order na magtataas sa daily minimum wage sa Calabarzon sa P450 hanggang P560 sa non-agriculture sector.

Epektibo ang umento sa Setyembre 30, o limang araw makaraan ang anniversary date ng huling regional wage increase. Ang huling wage order ng RTWPB-Calabarzon ay nagkabisa noong Setyembre 24, 2023.

Samantala, sinabi ng DOLE na ni-re-categorize ng RTWPB IV-A ang grouping ng mga lugar base sa income classification ng local government units at ginawang simple ang wage structure sa agriculture at non-agriculture sectors at retail establishments na nag-eempleyo ng hindi hihigit sa 10 manggagawa.

“The increase would bring the daily minimum wages to P450-P560 in the non-agriculture sector; P425-P500 in the agriculture sector; and P425 in retail and service establishments employing not more than 10 workers upon full implementation of all tranches,” ayon sa DOLE.

Nagpalabas din ang RTWPB-Region VII (Central Visayas) ng wage order na nagkakaloob ng P33 hanggang P43 pagtaas sa daily minimum wage rates sa rehiyon simula sa susunod na buwan.

Ayon sa DOLE, ang bagong wage rates ay epektibo sa Oktubre 2, isang araw makaraan ang anniversary date ng huling regional wage order. Ipinalabas ng RTWPB-VII ang huling wage order nito sa Oktubre 1, 2023.

“The RTWPB-VII kept its area-based classifications of Classes A, B, and C, but each class now has a single wage rate for both agriculture and non-agriculture sectors,” ayon sa DOLE.

“The increase brings the daily minimum wages from P458-P468 to P501 for Class A; P425-P430 to P463 for Class B; and P415-P420 to P453 for Class C,“ dagdag pa nito.

Ang mga lugar sa Class A ay kinabibilangan ng mga lungsod ng Carcar, Cebu, Danao, Lapulapu, Mandaue, Naga, Talisay at mga bayan ng Compostela, Consolacion, Cordova, Liloan, Minglanilla, San Fernando o Expanded Metro Cebu.

Ang Class B areas ay ang iba pang mga lungsod na wala sa ilalim ng Class A tulad ng Bais, Bayawan, Bogo, Canlaon, Dumaguete, Guihulngan, Tagbilaran, Tanjay, at Toledo. Samantala, ang mga lugar sa Class C ay ang iba pang munisipalidad na hindi sakop ng Class A at Class B.

“The new rates for workers in private establishments translate to about 7% to 8% increase from the prevailing daily minimum wage rates in the two regions and result in a comparable 11% increase in wage-related benefits covering 13th-month pay, service incentive leave, and social security benefits such as SSS, PhilHealth, and Pag-IBIG,” sabi pa ng DOLE. EUNICE CELARIO