INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) nitong Biyernes ang USD30 million loan upang suportahan ang public-private partnership (PPP) projects sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ng ADB na ang halaga ay gagamitin upang lagyan ulit ang Project Development and Monitoring Facility (PDMF) na pinamamahalaan ng Public–Private Partnership Center (PPPC) ng pamahalaan.
Ang PDMF ay isang revolving fund para sa paghahanda na inialok sa implementing agencies, procurement advisory, support services in preparation, structuring, development, probity management, at lahat ng kinakailangang trabaho para maisagawa ang proyekto at umusad sa implementation work.
Ayon sa ADB, gagamitin din ang loan para palakasin ang kapasidad ng implementing agencies at local government units (LGUs) na bumuo at pamahalaan ang mga proyekto.
Ang halaga ay gagamitin upang suportahan ang kabuuang 35 national at local PPP projects mula 2025 hanggang 2029, kung saan ang lahat ng mga proyekto ay sumasailalim sa climate risk screening at management upang masiguro ang pagkakahanay sa nationally determined contribution ng bansa.
Sakop ng mga proyektong ito ang railways, roads, at transport network improvements, gayundin ang mahahalagang community facilities, na nag-aambag sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Pilipino.
“The Philippines is considered one of the leaders in the Asia and the Pacific region in the use of PPPs as a modality for addressing infrastructure gaps and pursuing sustainable growth and development,” wika ni ADB Philippines Country Director Pavit Ramachandran.
“Through this new loan, ADB is helping ensure the continuous preparation of bankable and feasible climate-resilient PPP projects in the country as well as the availability of global expertise for successful PPP implementation,” dagdag pa niya.
Isang komprehensibong capacity building program sa pagbuo ng PPP projects ang lilikhain para sa PPPC, implementing agencies at LGUs. ULAT MULA SA PNA