(Aprub sa BARMM) P734-M INVESTMENTS

INAPRUBAHAN ng Regional Bangsamoro Board of Investments (BBOI) ang registration ng tatlong investment firms na nagkakahalaga ng P734,133,782.05 sa regular board meeting nito kamakailan.

Ang naturang investments ay kinabibilangan ng P340.8 million mula sa Nama Concrete Philippines Corporation (NAMA) para sa pre-mixed cement facility sa Sultan Kudarat, Maguindanao; P340.8 million mula sa Mount Kalantungan Agri-Ventures, Inc. (MKAVI) para sa expansion ng Cavendish banana production nito para sa export sa Amai Manabilang, Lanao Del Sur; at P169.8 million mula sa Austrian Trade and Investment Group Asia, Inc. (ATIGA) para sa mga produktong may kinalaman sa Halal coffee sa Cotabato City.

“As we conduct our (most likely) last board meeting during the administration of President (Rodrigo R.) Duterte, we are glad that we are ending the term on a high note with three additional registered investment projects,” wika ni Bangsamoro Board of Investments Chairman Ishak V. Mastura.

Ang proyekto ng MKAVI ay expansion ng existing operations nito na nagsimula, 18 taon na ang nakalilipas.

“Since the start of our operation way back in 2004, our company did not fail in choosing its location for putting up banana plantation in the Bangsamoro region because Regional BBOI is always there ready to assist us, we thank the BARMM government for the approval of our new application,” ani MKAVI External Relations Officer Joyal Maquinto.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni NAMA Manager Jabib Guiaber na makatutulong ang kanilang pasilidad sa pagpapadali ng suplay ng semento sa rehiyon para sa iba’t ibang proyekto.

Ang mga bagong investment ay inaasahang lilikha ng 636 trabaho — 304 sa NAMA, 213 sa MKAVI, af 119 sa ATIGA.