(Aprub sa BOI) P2.8-B AGRI, POWER PROJECTS

Ceferino Rodolfo

INAPRUBAHAN kamakailan ng Board of Investments (BOI) ang dalawang agriculture projects at isang renewable energy (biomass) project na may kabuuang halagang  P2.8 billion.

Ang mga ito ay ang P270 million Agglomerated Coconut Milk Powder and Other Plant-Based Infused Coconut Milk Powder Products project ng Axelum Resources Corporation bilang bagong export producer na may annual production capacity na 1.65 million kilograms (kg); P1.22 billion eight megawatts (MW) Biomass power plant ng Mindoro Harvest Energy Co. Inc.; at P1.33 billion expansion ng Biotech Farms, Inc. para sa produksiyon nito ng live hogs na may karagdagang 54,600 hogs (5,460,000 kg) capacity.

“The latest project approvals bode well for the industry as agriculture/agribusiness projects reached P364.8 million in the first quarter of 2021 which is up 132 percent from P157.4 million in the same period last year. The sector even recorded a 13 percent growth in projects in 2020 despite the pandemic with P3.84 billion from P3.4 billion the previous year,” ayon sa BOI.

Samantala, ang power project ay nadagdag sa lumalagong power/electricity investments na umabot na sa P122 billion hanggang noong Marso 2021, na tumaas ng 2,800 percent mula sa P4.2 billion lamang sa first quarter ng 2020.

Ayon kay Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo, ang resource-based industries tulad ng agriculture/agribusiness at power sectors ay nanatiling pinakamatatag sa gitna ng pandemya.

“The uptrend of project registrations particularly in the agriculture/agribusiness sector will go a long way towards boosting the sector’s output this year,” aniya.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), ang  agricultural output ay bumaba noong 2020 sa 1.2 percent. Sa kabila na nag-iisa lamang na nakapagposte ng paglago sa second at third quarter, target ng DA ang 2.5 percent growth para sa sektor ngayong taon.

Ang bagong proyekto ng Axelum ay inaasahang lilikha ng halos 400 trabaho sa sandaling magsimula na ang commercial opera-tions nito sa Mayo 2021.

Ang proyekto ay matatagpuan sa Region X (Northern Mindanao), na second-highest coconut-producing region noong 2019, na bumubuo sa 12.4 percent ng total national coconut production. Target ng kompanya na mag-export ng 100 percent ng  produksiyon nito —   80 percent sa Americas, at ang nalalabi ay sa Asia, Middle East, at Europe.

Ang mga coconut product na pangunahing ine-export ng Filipinas ay coconut oil (73 percent o US$932.04 million), desiccated coconut (22 percent o US$256.75 million), at copra meal (3.42 percent o US$60.80 million) noong 2020, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

7 thoughts on “(Aprub sa BOI) P2.8-B AGRI, POWER PROJECTS”

  1. 839432 954256Most reliable human being messages, nicely toasts. are already provided gradually during the entire wedding celebration and therefore are anticipated to be really laid back, humorous and as nicely as new all at once. best man speech 593620

Comments are closed.