(Aprub sa commuter at transport groups) CODING EXEMPTION SA PUBLIC TRANSPORT

ariel inton

BUO ang suporta ng commuter at transport groups sa panawagan ng transport experts na huwag isama sa coding ang public transportation.

Ito ang pahayag ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), matapos mapaulat na pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maibalik na ang coding scheme sa Kalakhang Maynila.

Matatandaang sinuspinde ang coding scheme bunsod ng Co­vid-19 pandemic.

Inanunsiyo ni Inton na full support ang LCSP na huwag isama sa co­ding scheme ng MMDA ang mga public transportation para hindi mabawasan ang masasakyan ng mga commuter.

Sinabi pa nito na ang pinakaepektibong solus­yon sa problema sa trapiko ay ang effective public transportation.

Ang effective na pagbabawas ng mga sasakyan sa lansangan ay mangyayari lamang kung may maraming effective public transport na masasakyan ang bawat mananakay.

“Magkaganun man, dahil sa hirap kumuha ng franchise dahil na rin sa sandamakmak na requirements ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay malabong matupad agad ang hangaring ito,” wika ni Inton.

Kasunod nito, umaasa ang LCSP at mga kaalyadong commuter at transport groups na pakikinggan ng MMDA ang kanilang panawagan. BENEDICT ABAYGAR, JR

68 thoughts on “(Aprub sa commuter at transport groups) CODING EXEMPTION SA PUBLIC TRANSPORT”

  1. 618151 254920An fascinating discussion could be valued at comment. I do believe which you merely write read much more about this subject, it may not often be a taboo topic but normally persons are too couple of to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 527857

Comments are closed.