(Aprub sa DBM) 5K DEPED NON-TEACHING POSITIONS

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng may 5,000 non-teaching positions sa mga eskuwelahan na pinangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa.

.Ayon sa DBM, ang paglikha ng bagong non-teaching positions para sa Fiscal Year (FY) 2024 ay naglalayong tulungan ang mga guro na mapagaan ang bigat ng pagtupad sa administrative tasks dahil sa kawalan ng  non-teaching personnel sa mga eskuwelahan.

“Our educators already have their plates full. By approving the creation of 5,000 non-teaching positions, we aim to relieve teachers of administrative tasks and allow them to focus on quality instruction,” wika ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

“This move will significantly benefit our educators and enhance the country’s education system.”

Sinabi ni Pangandaman na ang hakbang ay nakaayon sa commitment ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. na pagtibayin ang kapakanan kapwa ng mga guro at mag-aaral.

Ang 5,000 non-teaching positions sa DepEd ay Administrative Officer (AO) II positions na may Salary Grade (SG) 11 para sa FY 2024. Ide-deploy sila sa School Division Offices at schools sa buong bansa.

Ang funding requirements para sa mga  posisyon ay kukunin sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa FY 2024 General Appropriations Act, habang ang  Retirement and Life Insurance Premium ay sa Automatic Appropriations.