(Aprub sa DBM) P1.04-B PARA SA SRA NG HEALTH WORKERS

DBM

INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang pagsang-ayon sa paglalaan ng Special Allotment Release Order (SARO) na P1.04 billion sa Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng eligible public and private health workers na umaakto bilang COVID-19 health care response.

Ang nasabing halaga ay ilalaan sa hindi pa nababayarang COVID-19 SRA claims ng 55,211 health workers. Tatanggap ng P5,000 kada buwan ang mga ito bilang allowance sa kanilang pagsisilbi sa panahon ng state of national emergency.

“We understand and recognize the selflessness and immense sacrifice that our health workers continue to pour out throughout these turbulent times. Isa po itong paraan sa pagkilala sa kanilang sakripisyo,” ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Tinukoy naman ng DBM ang mga qualified health worker at ang mga ito ay medical, allied medical at iba pang personnel na itinalaga sa ospital at health care facilities na direktang nagsisilbi sa mga COVID-19 patient, persons under investigation (PUIs) o persons under monitoring (PUMs).

Ang paglalabas ng pondo ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11494, o ang Bayanihan to Recover as One Act, na nagtatakda ng provision of allowances at benepisyo sa lahat ng pampubliko at pampribadong health workers na direktang nakakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19.

Samantala, ang Administrative Order No. 36 o ang nagpapahintulot sa COVID-19 SRA para sa Health Workers na nakasalamuha ng COVID-19 patients sa panahon ng State of National Emergency ay inilabas noong November 20, 2020.

Magugunitang ang grant ay pinalawig ng hanggang Hunyo 30, 2021 sa ilalim ng Administrative Order No. 42.

“To further continue the benefit being provided to all public and private health workers, RA No. 11712 (An Act Granting Mandatory Continuing Benefits and Allowances to Public and Private Health Care Workers During the Covid-19 Pandemic and Other Future Public Health Emergencies, and Appropriating Funds Therefor) was passed into law on April 27, 2022 during the period Public Health Emergency commencing from July 1, 2021. Under this law, the SRA was effectively replaced by Health Emergency Allowance (HEA), with amounts provided based on risk levels,” pahayag ng DBM.

Samantala, may apat na kategorya ang risk exposure at ang mga ito ay ang mga naka-deploy sa low risk areas na bibigyan ng P3,000; sa “medium risk areas” ay P6,000; at ang “high risk areas” ay tatangap ng P9,000.

“Rest assured that we will continue to closely coordinate with the DOH so that our health care workers get the allowances and benefits they deserve,” ayon pa kay Secretary Pangandaman.

Hanggang Oktubre 4, nakapaglabas na ang DBM ng SRA na P11.857 billion.EVELYN QUIROZ