INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P3.681 billion sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpapatuloy ng pagpapatupad ng Free Public Internet Access Program (FPIAP) sa buong bansa.
Ayon sa DBM, ang halaga ay huhugutin sa Special Account in the General Fund-Free Public Internet Access Fund (SAGF-FPIAF) for Fiscal Year 2024.
Ang P3.681-billion ay bukod pa sa P2.5 billion na nauna nang inilaan para sa FPIAF ngayong taon, na inaasahang magiging fully obligated ngayong buwan.
“Tuloy na tuloy po ang ating free WiFi Program (Our Free WiFi program continues). By approving this additional budget within our calibrated fiscal program, we reaffirm our commitment to prioritizing inclusive and accessible internet for all,” sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.
“As mandated by President Ferdinand R. Marcos Jr., we will ensure tha t every citizen, saan mang sulok ng Pilipinas, makikinabang sa ating digital transformation initiatives,” dagdag pa niya.
Ang pondo ay inaasahang mabebenepisyuhan ang kabuuang 13,462 Access Point (AP) sites sa iba’t ibang lokasyon sa buong bansa.
Ayon sa DBM, bahagi ng FPIAP ang pagtatayo at maintenance ng ICT infrastructure, tulad ng towers, data centers, at internet connections.
Layon ng programa na mapanatili ang connectivity sa public places tulad ng eskuwelahan, libraries, parks, at transportation hubs, at mabigyan ang mga Plipino ng maaasahang internet services para sa edukasyon, trabaho, at mga pang-araw-araw na gawain.
“With the budget released, we are hopeful that the DICT can proceed swiftly with the fund disbursement and expedite the program’s implementation,” anang Budget chief.