SUPORTADO ng Department of Tourism (DOT) ang pagtatayo ng temporary hospitals at iba pang medical facilities sa tourism sites sa gitna ng patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19.
“The DOT is gratified and honored to be able to use its parks and public spaces in support of the national pandemic response,” wika ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa groundbreaking ng isang mega field hospital sa Burnham Green sa Rizal Park.
Ang temporary hospital ay kayang mag-accommodate ng hindi bababa sa 500 pasyente na may mild hanggang moderate COVID-19 symptoms.
Nagpasalamat naman si Romulo-Puyat kay Manila Mayor Isko Moreno at pinagbigyan nito ang kahilingan ng ahensiya na ipagamit ang mga pasilidad sa lahat ng mga Filipino.
Inaprubahan din ng National Parks Development Committee, isang attached agency sa DOT, ang panukalang gamitin ang Quirino Grandstand bilang site ng temporary drive-thru vaccination center.
Hanggang 450 katao kada araw ang kayang serbisyuhan nito para sa vaccination program ng bansa.
“The City of Manila and the NPDC have taken the first step and we hope to see this replicated by other local government units in other parts of the country,” ayon pa kay Puyat.
wmdoll 163cm ラブドールが別の役割を果たしたときセックスドールの整頓された避難をどのように行うか?ドールハウスGYNOIDを完成させるために必要なツール…DOLLInsaneは別の映画を作ります…