(Aprub sa DTI) SRP HIKE SA 82 BASIC, PRIME GOODS

INAPRUBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas sa suggested retail prices (SRPs) ng 82 basic necessities at prime commodities.

Sa isang statement, sinabi ng DTI na sa 218 stock keeping units (SKUs) sa retail price guide list, 62%, o 136 items, ang nanatili sa kanilang kasalukuyang price levels na ipinatupad magmula noong Enero  ngayong taon.

Pinayagan din ng  DTI ang “minimum increase” para sa nalalabing 38%, o 82 SKUs, sa pinakabagong  SRP list.

Ang mga  produkto na itinaas ang SRP ay kinabibilangan ng tinapay,  canned fish, potable water sa bottles at  containers, processed milk, locally manufactured instant noodles, coffee, salt, laundry soap, detergent, candles, flour, processed and canned pork, processed and canned beef, vinegar, fish sauce (patis), soy sauce, toilet soap, at  batteries.

Ayon sa DTI, ang presyo ng 71 mula sa 82 SKUs ay nagtaas ng  mula 2% hanggang 10%.

Sa kabila nito, sinabi ng ahensiya na ang taas-presyo ay mababa pa rin kumpara sa global price movement ng raw materials.

“To illustrate, the prices of major raw materials like tamban (for canned fish products), mechanically deboned meat (for processed meat products), buttermilk (for processed milk), and palm oil (for toilet paper and instant noodles) increased by 0.56% to 32.14%. Additionally, fuel prices went up by 28.84%,” ayon sa  DTI.

Inilabas ng DTI ang SRP list upang patuloy na gabayan ang mga consumer at retailer sa kanilang pagbili at pagbebenta ng basic at  prime goods.

“The Department carefully evaluates the requests for price adjustments from the manufacturers of BNPCs under the DTI’s jurisdiction. It is imperative that the DTI and the industry collaborate to ensure the consumers of high-quality products at affordable prices,” sabi ni Trade Secretary Ramon Lopez.

“Despite the adjustments in several basic and prime goods, the DTI assures the public that all increases in the SRPs were kept to a minimum level to provide consumers with reasonably-priced goods amidst the pandemic,” dagdag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.