(Aprub sa Kamara) MATAAS NA P11.101-B BUDGET NG DAR SA 2025

Inaprubahan ng House of Representatives sa plenary deliberations nito ang  panukalang P11.101 billion budget ng  Department of Agrarian Reform (DAR) para sa taong 2025.         

Ayon kay Aklan Second District  Representative Teodorico Haresco Jr., principal sponsor ng naturang  DAR budget, higit na mas mataas umano ang inaprubahang budget ng DAR na P11.101 bilyon  para sa susunod na 2025 kumpara sa  P8.579 bilyon lamang na naaprubahan para rito sa  taong 2024.

Paliwanag ni Ha­resco, ang dahilan  ng pagtaas ng panukalang budget ng ahensya  para sa 2025 ay upang mas mapabilis ang pamamahagi  ng mga lupaing pang agrikultura sa mga magsasakang agra­rian reform beneficiaries (ARBs) at ng kanilang mga target na support services para sa mga ito.

“With the budget, the DAR can keep on implementing, facilitating and coordinating support services to our beloved farmers,” ang sabi ni Haresco.

Matustusan din ng naturang budget increase ang “parcelization efforts” ng DAR sa ilalim ng Project SPLIT (Support to Parcelization of Lands for Individual Titling) nito na layuning paghiwa-hiwalayin ang titulo ng mga nauna ng minadaling ipinamigay na titulo ng mga lupaing pang agraryo na nakapangalan sa maraming tao sa halip na sa indibidwal na mga benepisyaryo. Ito ay upang ayusin  ang unang naging pamamahagi na nakapangalan ang bawat  titulo sa maraming magsasaka na  nagmitsa ng mga pagkalito at mga hindi pagkakaunawaan sa nabahagian ng  mga lupaing pang agraryo.

“It aims to convert collective CLOAs into individual e-titles, allowing the farmers increased access to credit facilities for their capital needs.The budget increase will also sustain the parcelization efforts under Project SPLIT (Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project which aims to convert collective CLOAs into individual e-titles, allowing the farmers increased access to credit facilities for their capital needs,”ayon kay Haresco.

Pinuri naman ni Northern Samar Ist District Representative Paul Daza ang dedikasyon ng mga kawani ng DAR sa pamumuno ni Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III sa pagsisikap anya ng mga ito na matulungan ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka, at nagpahayag ng pagsuporta sa mga      inisyatibo ng ahensya.

“The proposed budget of the DAR will enable the agency to continue its highly successful and swift provision of land tenure security to landless Filipino farmers and legal intervention to agra­rian reform beneficiaries.With the budget, the DAR can keep on robustly implementing, facilitating, and coordinating support services for our beloved farmers,” sabi ni Haresco.

Ipinaliwanag din ni Haresco na kasalukuyan namang ipinapatupad ng  DAR ang  Executive Order No.75 series of 2019  lalo na sa  bahagi ng Mindoro, Palawan at iba pang lugar

“Executive Order (EO) 75, s. 2019, instructs all government agencies to identify, validate, segregate, transfer and distribute government-owned lands suitable for agriculture which are no longer used for the purpose for which they were reserved,” ang nakasaad sa naturang EO.

Sabi ni Haresco ilan sa  regular agrarian reform beneficiaries (ARBs) ay nabahagian ng  5,808 ektarya ng lupaing pang agraryo; sa rebel returnees naman ay  329 ektarya, at ;  ang graduates ng agricultural courses na­man ay   136 ektarya o kabuuang  6,723 ektarya ng lupain. Samantalang sa national level na CARPable sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang kabuuang naipamahagi ay umaabot naman sa 8,542 ektarya.

Sa kanyang sponsorship speech sinabi ni Haresco na nag-isyu si  Presidente Ferdinand Marcos Jr. ng  Administrative Order (AO) 21 upang  makatiyak na ang mga ahensya ng pamahalaan ay nakikipag-ugnayan sa identification o pagtukoy ng mga lupaing maaaring maipamahagi sa mga magsasakang ARBs. Bukod sa DAR, ang iba pang kasapi ng coordinating council ay ang Department of Environment and Natural Resources(DENR), Department of Agri­cul­ture (DA)  at  Land Re­gistration Authority (LRA).

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia