(Aprub sa Landbank)P1.1-B PAUTANG PARA SA ONION INDUSTRY

INAPRUBAHAN ng state-run lender Land Bank of the Philippines ang mahigit sa P1 bilyong halaga ng pautang para suportahan ang paglago ng local onion industry.

Ayon sa Landbank, hanggang September 30, inaprubahan nito ang P1.1 billion na loans upang suportahan ang produksiyon at pangangalakal ng sibuyas at ang pagbili ng cold storage equipment.

Pinoproseso na rin ng bangko ang karagdagang pautang na nagkakahalaga ng P102.9 million.

Sinabi ng lender na ang sibuyas ay isang high-value crop na maaaring gastusan sa ilalim ng Landbank Sulong Saka Program, na naglalayong magkaloob ng credit assistance sa iba’t ibang qualified stakeholders para sa agribusiness projects na sumusuporta sa high-value crops production, processing, at marketing.

Sa ilalim ng programa, ang maliliit na magsasaka ay maaaring makahiram ng hanggang 90% ng total project cost para sa production loan, habang maximum na 80% ang maaaring hiramin ng small and medium enterprises (SMEs), cooperatives, farmers’ associations at organizations, large agribusiness enterprises at corporations, non-government organizations (NGOs), at countryside financial institutions (CFIs).

Maaari ring makahiram ang mga eligible borrower ng hanggang 80% ng project cost para sa pagbili ng fixed assets, at hanggang 85% ng market price ng commodity para sa commodity loans.

“Loans for working capital and permanent working capital are payable up to one year and three years, respectively, while loans for fixed assets and construction of facilities are payable based on project cash flow but not more than its economic useful life,” ayon sa lender.

Ang interest ay base sa market rate, habang ang loans para sa smallholder farmers ay magkakaroon ng concessional fixed rate na 5% per annum.