(Aprub sa Malakanyang) FACE SHIELD SA PUBLIC TRANSPORT

FACE SHIELD

SUPORTADO ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na atasan ang lahat ng commuters sa buong bansa na magsuot ng face shields, bukod sa face masks, simula sa Agosto 15 upang mabawasan ang panganib ng pagkakabantad sa COVID-19.

Sa isang virtual press conference ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ibinase ng DOTr ang desisyon nito sa siyensiya. i

“Napatunayan po na mas makatutulong po na maiwasan ang paghawa sa COVID-19 kapag mayroon pong face shield sa mga pampublikong sasakyan bukod pa po sa face mask,” sabi ni Roque.

Noong Agosto 4 ay nagpalabas ang DOTr ng memorandum circular na nag-aatas sa lahat ng transportation sectors na pagsuotin ang kani-kanilang mga pasahero ng face shields.

Ang direktiba ay para sa lahat ng public transportation sa buong bansa, kabilang ang aviation at airports, railways, road, at maritime sectors.

Nanawagan si Roque sa publiko na sumunod sa direktiba ng DOTr.

“It is within the jurisdiction of DOTr to require the wearing of face shields in public transportation. So kinakailangan po, sundin po natin iyan,” sabi ni

Roque.

Gayunman ay nilinaw ni Roque na ang mandatory wearing ng face shields ay para lamang sa mga lugar kung saan pinapayagan ang public transportation.

Aniya, sa ibang public spaces ay hinihikayat lamang ang mga tao na magsuot ng face shields.

“Hindi pa naman po ito requirement na isuot all the time kahit saan.”. PNA

Comments are closed.