INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagsasama sa tatlo pang proyekto sa listahan ng priority infrastructure projects ng pamahalaan
Sa isang televised briefing sa Malacañan Palace, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang mga karagdagang proyekto na isinama sa listahan ng infrastructure flagship projects (IFP) ay kinabibilangan ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX Extension Project, Philippine Rural Development Project Scale Up, at ng upgrade expansion, operation and maintenance ng Laguindingan International Airport Project sa Misamis Oriental.
“With their inclusion in the list, these projects will be prioritized in the government’s annual budget preparation and will benefit from the expedited issuance of applicable permits and licenses, in accordance with current legal frameworks,” sabi ni Balisacan.
Aniya, ang pagsasama sa naturang mga proyekto sa listahan ay malaking kontribusyon sa napapanahong pagpapatupad ng mga proyekto at ganap na pagsasakatuparan sa kanilang economic returns, at makatutulong din upang maiwasan ng gobyerno ang posibilidad ng pagtataas ng halaga at financing charges dahil sa mga pagkakaantala.
Ang mga proyekto ay idinagdag sa IFP list kasunod ng pag-apruba ng NEDA Board sa revised guidelines para sa formulation, prioritization at monitoring ng IFPs ng pamahalaan.
“Particularly, projects approved by the Investment Coordination Committee or ICC and confirmed by the NEDA Board, which are not in the current IFP list, but meet the criteria indicated in the IFPs guidelines, shall be included in the IFP list, subject to the endorsement from the concerned implementing agencies,” ani Balisacan.
Aniya, ang kabuuang halaga ng 197 IFPs ay nagkakahalaga ngayon ng P8.71 trillion.
Tinukoy ang report ng NEDA Board Committee on Infrastructure, sinabi ni Balisacan na hanggang July 23, may kabuuang 71 proyekto na nagkakahalaga ng P4.11 trillion ang nagpapatuloy, tumaas mula sa 68 proyekto na iniulat sa first quarter.
Ang mga karagdagang proyekto na nasa “ongoing” phase na ay ang Metro Cebu Expressway, Nautical Highway Network Improvement at ang Daang Maharlika Improvement projects.
“Among the remaining 123 IFPs, 27 have been approved for implementation, eight are awaiting government approval, 52 are in the project preparation phase, while 36 are under the pre-project preparation phase as of July 2023,” dagdag ni Balisacan.
-(PNA)