(Aprub sa PNP) AFP BUMUO NG SECURITY COUNCIL

WELCOME kay Phi­lippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang paglikha ng yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na direktang makikipag-ugnayan sa PNP at Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ang Office of the Secretariat for Joint Peace Security Coordinating Council (JPSCC) ang siyang magsisilbing tagapag-ugnay sa panig ng AFP Chief of Staff na co-chair ng joint coordinating council kasama ang PNP Chief at PCG Commandant.

“Napakahaba nang pinagsamahan ng PNP at AFP pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa at ito naman ay napatuna­yang muli mismo sa kampanya laban sa iligal na droga kung saan aktibong nakiisa ang AFP sa sunod-sunod na pagkakakum­piska ng bilyon-bilyong halaga ng shabu sa Zambales, Cavite at iba pang panig ng bansa sa nakalipas na dalawang buwan,” pahayag ni Eleazar.

“With the activation of the Office of the Secretariat for Joint Peace Security Coordinating Council which now includes the Philippine Coast Guard commandant as co-chairperson, we believe that it would result in strong coordination among the law enforcement agencies to continue reducing the crime rate in the country and eventually make our kababayan further feel security and safety in their homes, on the streets and in the community,” dagdag pa ng heneral.

Itinalaga ng AFP si Brig. Gen Alex Rillera para pamunuan ang bagong tatag na tanggapan.

Nitong Hulyo, lu­magda ang tatlong security agency ng pamahalaan ng isang tripartite mechanism para paigtingin ang kanilang nagkakaisang pagtugon sa mga panloob at panlabas na banta.

Nakasaad sa kasunduan ang ugnayan at pakikiisa ng AFP, PNP at PCG gayundin ang pagkonsulta sa iba pang mga stakeholder na gagabay sa prinsipyo sa pagtugon para sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

“We welcome the activation of this unit as an effort to further strengthen relations and collaborations between the PNP, the AFP and the PCG in keeping the country secure against lawless elements, terrorists and other threats to peace in our communities,”dagdag pa ni Eleazar. VERLIN RUIZ