NASA 7.5 milyong Pilipino ang inaasahang makikinabang sa Targeted Cash Transfer (TCT) program ng pamahalaan kasunod ng paglalabas ng mga karagdagang pondo ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, nakahanda na ang ahensiya na i-facilitate ang P500 cash transfers para tulungan ang milyon-milyong benepisyaryo na makayanan ang nagpapatuloy na epekto ng mataas na inflation.
Inanunsiyo ng DBM noong Martes ang pag-apruba sa Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P7.6 billion para sa pagpapatuloy ng DSWDTCT program.
“The DSWD has set mechanisms to implement the TCT program in a timely manner. We hope that through this additional funding, we will be able to help our kababayan (countrymen) for their daily subsistence,” wika ni Assistant Secretary and spokesperson Romel Lopez.
Nagpasalamat si Gatchalian sa TCT Inter-Agency Committee, na kinabibilangan ng DSWD, DBM, Department of Finance, at ng National Economic Development Authority sa pagbibigay prayoridad sa patuloy na pagpapatupad ng
programa.
-PNA