SA botong 268 ang pumapabor habang isa lamang ang tutol at mayroong isa namang kongresista ang nag-abstain o tumangging bumoto, pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang House Bill (HB) No. 206, na nagbababa sa 56 years old ang edad para makapag-optional retirement ang mga kawani ng pamahalaan.
Ang HB 206 ay siyang pinag-isang bersiyon ng nasa 13 na magkakahalintulad na panukalang batas, ay nagsusulong para amyendahan ang Section 13-A ng Republic Act 8291, o ang Government Service Insurance System Act of 1997.
Base sa nilalaman ng approved-House measure, ang isang government worker-GSIS member ay maaari nang makatanggap ng kanyang retirement benefits kapag siya ay tumungtong sa edad na 56 years old, sa panahong nais na niyang magretiro o kaya’y naging lingkod-bayan sa loob ng hindi bababa sa 15 years at walang natatanggap na monthly pension para sa permanent total disability.
Sa kasalukuyan, ang isang retiring member ay maaaring makakuha ng five-year lump sum benefits, kung saan ang kanyang monthly pension ay maaaring bayaran makalipas ng limang taon o cash equivalent na 18 months, na ang kanyang matatanggap na pension ay agad na magiging epektibo.
Pagbibigay-diin ng mga kongresistang pangunahing nagsulong ng HB 206, na kinabibilangan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Majority Leader Mannix Dalipe, Reps. France L. Castro, Arlene D. Brosas, Raoul Danniel A. Manuel, Maria Carmen S. Zamora, Marlyn L. Primicias-Agabas, Inno A. Dy V, Salvador A. Pleyto at Gus S. Tambunting, sa pamamagitan ng naturang panukala, ang ibang pang mga government personnel ay makakapantay na sa uniformed personnel na ang mandatory retirement age ay 56 years old.
“They said Filipinos need more rest so they could live longer, since their life span is shorter than other nationals. There should be a happy balance between working and retiring,” pahayag pa ng mga mambabatas.
Sa panig ni Romualdez, sinabi niyang mahigit sa isang milyong state workers ang makikinabang sa mas pinababang optional retirement age na ito.
“They can opt to quit working, receive their benefits, do other activities, and enjoy life in retirement with their loved ones even before they become senior citizens…retiring early would enhance their well-being. It’s surely more fun to live life without work-related stress.” Dagdag pa niya. (ROMER R. BUTUYAN)