AQUACULTURISTS HUMILING NG WINDOW HOURS PARA MAGPAKAIN NG ISDA SA TAAL LAKE

taal lake

NANAWAGAN ang aquaculturists sa Taal, Batangas kamakailan sa gobyerno para magtakda at mabigyan sila ng window hours para makapagpakain at makapangisda ng toneladang “healthy, marketable” isda na matagal nang naabandona mula noong magka-lockdown matapos ang pagputok ng bulkang Taal.
Sa isang pahayag, sinabi ng Taal Lake Aqua­culture Alliance, Inc. (TLAAI) na sumulat na sila kay Agriculture Secretary William Dar at Batangas Governor Hermilando Mandanas, at ilang mga opisyal, na may 70 porsiyento ng isda na nabuhay sa gitna ng pagputok ng bulkan.
Binigyang-diin ng TLAAI na ang kanilang araw-araw na ani mula sa Taal Lake ay tinata­yang nasa 120 hanggang 150 tonelada ng bangus at tilapia bago nagkaroon ng pagputok ng bulkan.
“Of this volume, about 60 percent is consumed in Batangas, Cavite, Laguna, and Quezon. The remaining 40 percent is sent to Metro Manila and sold through the PFDA Fish-port Complex in Navotas City,” sabi nila.
Binigyang-diin din ng grupo na ang nabubuhay na isda ang kailangang mapakain at mapataba para mapakinabangan ang kanilang kalidad at halaga.
“We also need to repair our cages and start recovering and rebuilding whatever is left of our livelihood. These fish are our only chance to recover and sustain our 12,000 workers and their families,” dagdag pa nila.
Mula nang pumutok ang Taal Volcano noong Enero 12, nagrekomenda ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng pagbabawal sa pagpasok sa Volcano Island, mga lugar sa Taal Lake, at komunidad na sakop ng seven-kilometer radius mula sa main crater.
Maliban sa window hours para makapagpakain ng kanilang isda, hinihiling din ng TLAAI ang mga sumusunod:
Pagtatayo ng mobile office ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) at ibang local government units para sa pag-iisyu ng Auxi­liary Invoice and Local Transport Permits; presensiya ng BFAR at Philippine Coast Guard at ayuda sa mga ma­ngingisda sa panahon ng implementasyon habang ipinatutupad ang window hours at pag-aani sa loob ng seven-kilometer radius;
Pagre-repair at rehabilitasyon ng access roads patungo at ga­ling sa Taal Lake para magkaroon ng pasilidad ang mabilis na delivery ng mga naaning isda, supply ng pagkain at madaliang cage repairs;
Credit or Letters of Guarantee mula sa BFAR para sa mga magpapakain; at membership ng TLAAI o ng sektor ng pangingisda sa naipanukalang Taal Lake Commission.

Comments are closed.