ARA MINA AYAW IBANDO ANG PAGKAKAWANGGA-WA; NEGOSYONG HAZELBERRY CAFÉ LUMALAGO

KUNG hindi lang mismong ang bete­ranong aktres na si Deborah Sun ang nagkuwento sa isang moviethe point scribe tungkol sa pagtulong ni Ara Mina sa kanya, ayaw na sa­nang  ipaungkat ito ng aktres dahil baka ma-misinterpret na ipinangangalandakan niya ang mga kabutihang nagawa niya sa kapuwa niya.

Ang tinutukoy namin ay ang pagtira ni Deborah nang libre sa kanyang condo unit sa Quezon City na malapit sa Nepa Q-Mart. Tat-long taon nang nakatira si Deborah at ang dalawa niyang anak sa naturang condo.

Hindi na nag-elaborate pa sa amin si Ara kung ano pa ang ginagawa niyang tulong sa pamilya ni Deborah.

From a source ay nalaman din namin na nagpasalamat ang dating sexy actress na si Rita Magdalena sa tulong na ibinigay sa kanya ni Ara noong panahong naputulan ito ng ­koryente. Ani Ara na tila hindi na naaalala ang nangyari, “Ah, ‘yun ba? Hindi ko na maa­lala yon, eh. Hindi ko na matandaan. At saka hindi ko naman tinatandaan talaga ‘yung mga ganung bagay. Maliit na bagay lang naman ‘yun.”

Isa ring dating sexy star noong dekada ‘80 —si Lala Montelibano—ang tinulungan noon ni Ara at binigyan ng trabaho. Naging saleslady si Lala ng kanyang Ara’s Secret Kiosk noon sa Market Market at hinanapan pa niya ng lugar na matitirhan.

“Nag-resign na siya. Ang alam ko bumalik na si Lala sa Davao. I hope she’s okay now,” komento ng aktres.

Patuloy niya, “Yung mga pagtulong na ginagawa ko, ‘di ako komportableng pinag-uusapan. Kasi sa akin na lang ‘yon. Iba ‘yung pakiramdam sa akin no’n, eh. Mayroong joy at certain fulfillment dito sa puso ko kapag ginagawa ko ‘yon.”

Masaya namang ibinalita ni Ara ang tungkol sa kanyang papalago pang food business—ang Hazelberry Café—na ang main branch ay nasa Pwesto Community Mall sa Holy Spirit Drive, Don Antonio, Quezon City.

Second year pa lang ng kanyang resto pero last year ay nagkaroon na agad ito ng dalawang branches.

“Nag-open kami sa Ma­dison Galeries, Alabang Hills nung bandang third quarter ng 2018. Tapos before nag-end ang 2018 nag-open din kami sa Ayala Malls Feliz sa Marcos Highway,” balita pa niya.

Ngayong 2019 ay may dalawang branches daw ulit ng Hazelberry ang magbubukas.

“Magkakaroon na rin kami sa Alta Claro Bldg, McArthur Highway sa Angeles, Pampanga. Tapos inaayos na rin namin ‘yung isa ang branch sa Ayala Fairview Terraces, Quezon City.”

Sa kabila ng kanyang hectic schedules, naisingit pa rin ng aktres ang ang paggawa ng pelikula. Kasama siya sa The Last Interview: The Ma­yor Halili Story kung saan ginagampanan niya ang role ng asawa ng late Tanauan mayor Antonio Halili na binibigyang-buhay ni John Estrada.

Happy si Ara dahil muli na naman silang nagkasama ni John na ang huling pinagsamahang pelikula  ay ang Singkuwento filmfest opening film na “Immaculada: Pag-ibig ng Isang Ina” ni Arlyn dela Cruz.

CRISTINE KINUMPIRMANG HIWALAY NA SA ASAWA

CRISTINE REYESNAGSALITA na si Cristine Reyes tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang husband na si Ali Khatibi.

Kung ang kanyang pahayag ang pagbabasehan sa panayam sa kanya sa isang programa, hiwalay na nga sila ng kanyang mister tulad nang napapabalita.

Ayon pa sa “Maria” star, nanatiling ‘civil’ daw naman sila ni Ali sa isa’t isa.

“We’re civil. We’re in good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah,” aniya.

Hirit pa niya, ang kasal ay isang sagradong bagay na dapat pangmatagalan subalit minsan, may mga pagkakataong kinakailangan ang paghihiwalay.

“Ideally, it shouldn’t end, but it depends on the circumstances… But for me, if you’re not happy, you should do something about it,” paliwanag niya.

Taong 2016 nang magpakasal si Cristine kay Ali at biniyayaan sila ng isang anak na babae.

Comments are closed.