ARA MINA GUSTONG MAGING TULAY SA PAGBABATI NINA AIKO AT MAYOR PATRICK

PARA kay Ara Mina, matagal na siyang naka-move on sa naging away nila ni Aiko Melendez.the point

Katunayan, willing siyang makasama ito sa isang pelikula.

Aminado ang aktres na may mga umaaligid-aligid sa kanya at nagpaparamdam, pero sa ngayon sa sobrang kaabalahan niya ay hindi niya ito mabigyan ng panahon.

“Mas gusto ko munang i-enjoy si Mandy,” pakli niya. “Besides, sa rami ng ginagawa ko na teleserye tapos may Hazelberry Café pa ako na nadagdagan ng branches, so, hindi ko na siya maisingit,” dugtong niya.

Isang bagay na na-a-appreciate ni Ara sa kanyang ex na si Patrick Meneses ay ang pagiging in good terms nila sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Kahit daw noong nagkahiwalay sila ay never niyang in-unfriend ito sa kanyang social media account na aniya ay isa namang responsible na ama at good provider sa anak nilang si Mandy.

AIKO_PATRICKTinuldukan din niya ang matagal nang isyu na kesyo sinulot niya kay Aiko ang kasalukuyang Bulacan mayor at pati na si Jomari na naging dahilan ng conflict nila ni Aiko.

“Noong kay Jomari, hiwalay na sila noong na­ging kami. Tapos, iyong kay Patrick, naghiwalay sila ng February, tapos na-meet ko siya thru a common friend na Chinese, so walang sulutan,”  paliwanag niya.

Dagdag pa niya, happy siya dahil magkaibigan na silang muli ni Aiko na nagsimula ang pagbabati sa isang lamay.

Willing din daw siyang maging tulay sa pagbabati nina Aiko at Patrick.

“Madali lang naman iyon kapag wala nang poot sa isa’t isa.Darating din iyon,” positibo niyang pananaw.

Wish din ni Ara na mahanap na ni Aiko ang ideal life partner nito, lalo pa’t romantically linked ito sa isang pulitiko na tila kapuwa nila kahinaan.

Maging sa ex niyang si Jomari ay masaya rin siya dahil magiging ama na naman ito courtesy of a non-showbiz girlfriend.

“Malaki na naman si Andrei, so, it’s about time lang naman na masundan siya and I’m happy for Jomari”.

Speaking of Ara, magsasagawa siya ng fun run na ‘tARAnasaARenA 2018” na nakatakdang gawin  sa Mayo 27 sa Philippine Arena.

Layunin nito ng makalikom ng pondo at matulu­ngan ang mga batang may down syndrome.

Malapit sa puso ni Ara ang adbokasiyang ito  dahil may down syndrome rin ang kanyang  nakababatang kapatid na si Batching (Mina Princess Klenk).

“Mahirap ang kanilang sitwasyon at kailangan nila ng kalinga at pang-unawa. It’s also an awareness campaign para sa  mga magulang at mga kapatid kung paano nila aalagaan ang mga taong may down syndrome na very useful naman dahil ang iba sa kanila ay nagtatrabaho na, naka-graduate na at  maraming special skills,” paliwanag niya.

Matatandaang noong 2006, unang nakalikom ng pondo si Ara para sa kahalintulad na proyekto sa pamamagitan ng isang concert sa Araneta Coliseum.

Panalangin ni Ara na maging successful ang fun run  para marami pa siyang magawang proyekto para sa mga special children.

Tatakbo si Ara kasama ang ilang celebrities at participants paikot ng makasaysayang Philippine Arena sa nasabing event.

For  your comments/reactions write to [email protected].

Comments are closed.