IT ALL started with an intriguing blind item tungkol sa pagkadiskubre sa aktres na supposedly ay lihim na karelasyon ng isang government official. Ito ay dahil sa cell phone na ipinahiram niya sa would-be wife ng lalaki na kanyang inimbitahan sa stage para mag-duet sila.
According to the blind item, hindi raw alam ng looming wife ang kanta kaya ipinahiram ng aktres ang kanyang cell phone na naglalaman ng lyrics.
But while they were singing, nagpadala supposedly ng text message ang government official, kaya nalaman tuloy ng ‘misis’ ang secret relationship nila ng showbiz personality.
Nangyari raw ang incident sa isang event na imbitado ang aktres para magbigay ng entertainment, at ang would- be wife ng government official ang tinawag niya mula sa audience at pinaakyat sa stage para kumanta kasama siya.
Nagsanga-sanga na ang blind item hanggang dumating sa point na pinangalanan na sa mga showbiz gossip column, online news, at radio program ang aktres na si Ara Mina raw supposedly.
Anyway, mega shocked daw talaga ang girlfriend ng government official sa text message na nabasa.
Kaya tinanong daw nito si Ara if she is having an affair with her boyfriend.
Ang sabi raw ni Ara ay magpapaliwanag siya pero hindi na diumano binigyan pa ng pagkakataong makapagpaliwanag ang aktres.
Tumakbo raw sa loob ng comfort room ng coffee shop ang babae at nagkulong para basahin ang thread ng kumpletong palitan nang mensahe ng kanyang fiancé at ng aktres.
Dahil matinding sama ng loob, nag-collapse daw ang fiancée ng government official sa loob ng comfort room.
It was a good thing that she was with her daughter who was able to help her.
‘Yun nah!
KATHELYN DUPAYA HAHARAPIN ANG KANYANG DETRACTORS
HALOS hindi makahinga si Kathy Dupaya habang nagpapaliwanag sa ilang press people na i-invite niya sa kanyang press conference some two days ago. Kompleto siya with prima facie evidence at halatang hindi siya naglulubid lamang ng kasinungalingan.
Umiyak siya sa tindi ng sama ng loob sa mga taong pinakisamahan naman daw niya nang maayos at maganda pero marami pa ring sinasabi behind her back.
Ipinakita ni Ms. Kathy ang mga prima facie evidence na hindi raw totoo ang allegations ng kanyang mga detractors na hindi siya nagbabayad ng commissions at hindi niya ibinalik ang principal ng kanilang investments.
In the event na magsampa raw ng demanda ang mga kinauukulan, she is more than willing to see them in court.
Sa mga nagreklamo laban sa kanya, pinakasuwapang at matindi raw ang pangnenenok ability ng boldstar na laos at retokada. Hahahahahaha!
Kung anik-anik daw ang ginetlag nito at kung mag-shopping daw ay parang wala ng bukas. Oh, my God! Harharhar!
Lastly, hindi raw niya tatakasan ang mga naghahabol sa kanya and she’s more than willing to show the evidence that she has in court. Hindi raw siya nagtatago and she is home for the sole purpose of clearing her name that is bismirched by these people specially the noselifted boldstar. Hahahahaha!
‘Yun nah!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.