(Arancel system binuwag ng Archdiocese of Manila) PAMISA, BINYAG DONASYON NA LANG

INALIS na ng Archdiocese of Manila ang arancel system o ang sistema nang paniningil ng fixed rates ng simbahan para sa mga ipinagkakaloob na sakramento sa mga pananampalataya, gaya ng binyag, kumpil at offering ng mass intentions.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, ang Apostolic administrator ng Archdiocese of Manila, ang naturang bagong polisiya ay magiging epektibo sa Abril 14, kasabay ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Filipinas.

Nais aniya nila na isa ito sa mga magiging legasiya ng quincentennial celebration ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyanismo sa bansa.

“There will no longer be any fixed rates for the celebration of the sacraments of baptism and confirmation and for the offering of Mass intentions in the churches in the Archdiocese of Manila,” ani Pabillo.

“Let this be one of the legacies of our quincentennial celebration of the arrival of the Christian faith in our country,” aniya pa.

Sa halip na fixed rates, hinihikayat ng lamang ng Archdiocese ang pagbibigay ng donasyon sa simbahan.

“Donations from the faithful for the support of their church are encouraged,” aniya pa.

Nabatid na ang Archdiocese of Manila ay mayroong 92 simbahan, at sakop nito ang mga Parokya sa mga lungsod ng Maynila, Pasay, Makati, Mandaluyong at San Juan.

Nauna rito, noong 2017, ilang obispo ng Ecclesiastical Province of Manila ang naglabas ng pastoral letter on stewardship, hinggil sa pag-aalis ng arancel system.  Ana Rosario Hernandez

3 thoughts on “(Arancel system binuwag ng Archdiocese of Manila) PAMISA, BINYAG DONASYON NA LANG”

  1. 238306 201370Hello. Cool post. Theres an issue with the internet site in internet explorer, and you may want to test this The browser may be the marketplace chief and a large element of other folks will miss your great writing due to this problem. 631486

Comments are closed.