ARANETA CITY CHRISTMAS ANIMATED DISPLAY

(Ni AIMEE GRACE ANOC)

PASKO. Panahon ng pag-alaala sa kapanganakan ng dakilang hari –si Hesus na siyang nag-alay ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng lahat.

John Santos at Binibining Pilipinas Miss Intercontinental 2019 Emma Mary Tiglao
HOSTS na sina John Santos at Binibining Pilipinas Miss Intercontinental 2019 Emma Mary Tiglao.

Ang diwang ito ang naging sentro ng selebrasyon sa unang pagbubukas ngayong taon ng Christmas Animated Display ng Araneta City noong ika-13 ng Nobyembre, ganap na 6:00 ng gabi sa Times Square Food Park.

Binubuo ng kuwento ng limang mahahalagang simbolo ng Kapaskuhan: The Little Drummer Boy, Frosty The Snowman, Rudolph the Red-nosed Reindeer, Santa Clause, at ang kapanganakan ni Hesus.

Na nagbigay ngiti at ligaya sa lahat dahil sa natatanging pagbibigay buhay sa mga animated cha­racter na sinasabayan ng magagandang Pamaskong musika at makukulay na display.

Makikita sa bawat eksena ang mga kuwentong nagpapaa­lala sa kahalagahan ng Pasko. Naging kaugalian na ang pagdiriwang na ito sa Araneta City simula pa noong 1996 kung kailan ito unang nagtanghal ng kanilang Christmas on Display.

Vanjoss Bayaban
The Voice Kids Philippines 2019 Grand Champion Vanjoss Bayaban

Ngayong taon, libo-libo ang nag-abang at nakisaya sa “The Christmas and The City” dahil bukod sa makikitang animated display ay dinaluhan din ito ng mga sikat na performer ng bansa na sina The Voice Kids Philippines 2019 Grand Champion Vanjoss Bayaban na nagpakita ng kanyang natatanging talento sa pagkanta; ang nakikilala na ngayong P-pop boy group na SB19 na nagpakita ng kanilang ga­ling sa pagsayaw at pagkanta; Star Magic actress Loisa Andalio at ng iba pang VIP guests at officials ng Ara­neta City.

Gayundin, na­kisaya ang ilang kandidata ng Binibining Pilipinas 2019 at si Binibining Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Tiglao na isa sa co-host ng pagdiriwang. Masasaksihan ang 15 minutes Christmas animated display mula Linggo hanggang Huwebes 6pm-10pm, at Biyernes at Sabado 6pm-11pm.

Magtatagal ang Christmas display hanggang ika-5 ng Enero at ito ay lib­reng mapapanood ng lahat.

Ang selebrasyong ito ay ginanap isang linggo matapos ang pagpapailaw sa ico­nic giant Christmas tree ng Araneta City na dinaluhan ng mahigit sa 25,000 katao kung saan ay na­kisaya rin si Kamilya actress Anne Curtis.

SB19Bukod sa Christmas animated display at giant Christmas tree na makikita sa Times Square Food Park ay magkakaroon din ng ilan pang mga atraksiyon at rides na talaga namang mae-enjoy ng mga magpupunta rito.

Magkakaroon ng synthetic skating rink para sa mga bata at kids at heart. At hindi makokompleto ang masayang pagbisitang ito kung wala ang masasarap na pagkain na makikita rin mismo sa gilid ng mga atraksiyong ito.

Tunay na panahon na ng kasiyahan at damang-dama na ang Kapaskuhan sa Araneta City na isa sa dapat na hindi palagpasing bisitahin ng lahat.

Comments are closed.