ARAW-ARAW AY MAY GUMAGALING SA COVID-19, 89 NADAGDAG

COVID UPDATE

ARAW-ARAW ay maraming gumagaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa kabila ng nadadagdagan din ang mga naitatalang kaso nito.

Sa ulat ng Department of Health, araw ng Linggo, Hunyo 7, ay may 89 bagong pasyente pa ang gumaling sa pandemiya sa bansa.

Nagdala ito ng  total recoveries na 4,530 sa COVID-19 sa Filipinas.

Sumampa na sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasawi sa bansa sa COVID-19.

Nadagdag ang siyam  na nasawi pa kaya nasa 1,003 na ang COVID-related deaths sa bansa.

Ayon sa DOH, nadagdagan ng 555  ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 378 ang “fresh cases” habang 177 naman ang “late cases”.

May kabuuang 21,895  na ang tinamaan ng pandemiya sa Filipinas.

Comments are closed.