ARAW-ARAW NA LARO IDINAING NI MADAYAG

Maddie Madayag

MAKARAANG matamo ang ikalawang ACL injury sa kanyang volleyball career ay nagsalita na si Choco Mucho team captain Maddie Madayag hinggil sa epekto ng minadallng iskedyul ng Premier Volleyball League (PVL) sa katawan ng mga player.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Madayag na bagama’t naunawaan niya ang mga pangyayari na nagresulta sa pitong sunod na araw na paglalaro, hindi ito ang mainam na sitwasyon para sa mga atleta.

“I understand that this conference was truly difficult to organize and fully plan out given the current situation of our country and I am grateful for those who made the effort so that the games pushed through,” pahayag niya sa kanyang post.

“Coming into the bubble, I believe the teams were put in an environment that was not conducive for any athlete, no matter how strong. 7-8 straight games of nonstop competing at a high level can definitely take a toll on one’s body. No athlete deserves to be put into the risk of injuries when there are other options to carry on strategizing which will benefit all and lessen the risk.”

Si Madayag ay isinakay sa wheel chair palabas ng court sa fourth set ng kanilang third-place game laban sa Petro Gazz makaraang bumagsak nang masupalpal ni Ria Meneses ang kanyang atake.

Ito na ang ikalawang ACL injury ni Madayag sa kanyang volleyball career. Una siyang hindi nakapaglaro ng isang taon para sa Ateneo Lady Eagles sa UAAP dahil sa injury sa kanyang kanang ACL noong 2016.

Sa kanyang post ay idinetalye niya ang offseason work na kinailangan nilang gawin para makaiwas sa injury.

“However, the body – no matter how healthy or strong – can only handle so much. It is unfortunate that despite the intensive strengthening and training done prior to the league had to be negated all because of a rushed schedule,” aniya.

Sinabi rin na natutunan niya sa conference ang kahalagahan ng kalusugan, pahinga at recovery.

87 thoughts on “ARAW-ARAW NA LARO IDINAING NI MADAYAG”

Comments are closed.