Araw ng Kagitingan di dapat kalimutan

Kaye Nebre Martin

Araw ng Kagitingan o Bataan Day ay isang pangyayaraing inaalala taon-taon at kinukunsiderang national holiday sa April 6-9. Ito’y bilang pagkilala sa katapangan at kabayanihan ng mga sundalong Filipino at Americano na lumaban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WW II). Sa nasabing araw, pinararangalan sila sa pangunguna ng kasalukuyag pangulo ng Pilipinas sa Shrine of Valor sa Mt. Samat. Sa araw na ito, hindi lamang ang Bataan ang walang pasok kundi ang lahat ng iskwelahan at opisina sa buong bansa.

Bumagsak ang Bataan dahil sa napakaraming dahilan. Una, mas malalakas ang sandata ng kalaban at panay pa ang pambobomba sa kanila. Idagdag pa ritong kapos na sila sa supply ng bala, pagkain at tubig, bukod pa sa pagkalat ng sakit na malaria at iba pang sakit. Nakita nilang namamatay na walang laban ang kanilag mga kasamahan kaya pinanghinaan na sila ng loob.

Ngunit kahit siguradong matatalo, umabot pa rin sila ng tatlong buwang singkad na nakikipaglaban. Kalaunan, napaligiran sila ng kalaban at napilitang sumuko. Dito nagsimula ang makasaysayang Bataan Death March—kung saan naganap ang mga kakila-kilabot na krimen ng giyera na kaagawan ng mga Hapones.

Isang nagngangalang Homma na tinawag ding Beast of Bataan, ang sinasabing naging dahilan ng kamatayan ng halos 10,000 nagugutom na sundalong Americano at Filipino na naging bilanggo at sapilitag pinaglakad ng 63 kilometro sa kainitan ng araw. Si Captain Salvador P. Lopez naman ang nag-anunsyo ng pagbagsak ng Bataan, sa pamamagitan ng Voice of Freedom radio broadcast. Binasa ni Third Lieutenant Normando Ildefonso Reyes ang mensahe ni Lopez, na nagsasabing mula sa Malinta Tunnel sa Corregidor, ay numagsak na ang Bataan.

Noong April 9, 1942, sumuko ang 76,000 sundalo sa mga Hapones. Kinabukasan matapos ang pagsuko, nagsimula ang kanilang paglalakad mula Bataan Peninsula hanggang sa prison camp malapit sa Cabanatuan. Kung tutuusin, hindi naman sinasadya ang Death March. Nagkataon lamang na hindi handa ang mga Hapones sa dami ng mga sundalong sumuko. Walang sasakyan, wala ring sapat na pagkain, kaya napilitan silang paglakarin ang mga sundalo sa kanilang kamatayan.

Gayunman, nangako si U.S. General Douglas MacArthur habang tumatakas na babalik siya sa Pilipinas.

Si Governor General Pedro Manuel Arandia ang founder ng Bataan, na naitatag noong 1754, mula sa mga teritoryong sakop ng Pampanga at corregimiento ng Mariveles, na noong panahong iyon ay kasama ang Maragondon, Cavite.