‘ARAW NG MAYNILA’ RACING FESTIVAL NAGBABALIK

karera

BALIK sa ruweda ang pamoso at inaabangang ‘Araw ng Maynila’ racing festivities ngayong  Huwebes, Hunyo 24, sa Manila Jockey Club (San Lazaro) sa Carmona, Cavite. Nakalinyang bitawan ang siyam na karera na pawang may naghihintay na medalya at  tropeo sa winning jockeys at tumataginting na premyo para sa may-ari ng mga lahok.

Nakaukit na sa kasaysayan ng horse racing industry at inaabangan ng bayang karerista ang ‘Araw ng Maynila’ races. At ang mga tunay na nagmamahal sa industriya, sa pangunguna ni Manila (Tondo) Congressman Manny Lopez, ang naglaan ng panahon at papremyo para sa muling hataw ng torneo.

“Taon-taon, isa sa pinakamalaking paraan ng ating paggunita sa Araw ng Maynila ay ang pagdaraos ng Araw ng Maynila racing festival. Noon, kahit hindi natatapat sa araw ng karera ang June 24, ginagawan natin ng paraan upang maganap ang napakasayang araw ng karera para sa lahat ng bayang karerista at para maipagmalaki ng bawat Manilenyo. Kailangan nating pahalagahan ang ating mga tradisyon at ang ating kasaysayan kaya ako’y nagsumikap upang maganap itong espesyal na pagdiriwang na ito,” pahayag ni Lopez.

“I look forward to seeing all our bayang karerista in the Araw ng Maynila Racing Festival and I would like to greet all kareristas, happy racing.  I would also like to greet the people of the City of Manila a meaningful 450th foundation day. Next year, with all your help and support, I look forward to seeing the return of the Gran Copa de Manila race and a stronger horse racing industry,” aniya. EDWIN ROLLON

6 thoughts on “‘ARAW NG MAYNILA’ RACING FESTIVAL NAGBABALIK”

Comments are closed.