ARAW NG MGA OFW IPAGDIWANG

Ruperto Santos

HINIMOK ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang mga mamamayan na alalahanin ang mga migrante o Overseas Fi­lipino Workers (OFWs) sa pamamagitan ng pananalangin, kasabay ng pagdiriwang ng Migrants’ Sunday ngayong araw, Setyembre 29.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, mahalagang kilalanin ng mamamayan ang sakripisyo ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng daigdig na nagsusumikap para sa ikabubuti ng pamilya.

“As we celebrate migrant Sunday we remember their goodness and we uplift their spirits with our prayers and appreciation,” ani Santos sa Radio Veritas.

Ipinagdiriwang ng Simbahan ang ika – 105 World Day for Migrants and Refugees ngayong Linggo, kung saan hi­nimok ni Pope Francis ang mananampalataya na patuloy ipanalangin ang mga migrante at refugees na higit nangangailangan ng paglingap dulot ng mga pang-uusig na nara-nasan at kahirapan sa mga pinanggalingang bansa.

Sinabi ng obispo na ang paggunita ng Simbahan sa mga migrante partikular dito sa Filipinas ay pasasalamat sa kanilang paghihirap na mapaunlad ang buhay ng bawat pamilya.

“Celebration of Migrant Sunday is our “thank you so much” for their sacrifices and services to their families and to our country. They build up the future of their loved ones and at same time help our economy,” ani Santos.

Ibinahagi ng obispo na bawat diyosesis sa bansa ay may mga migrant ministry desks na nakahandang tumulong sa pamilya ng mga OFW habang pinalalakas din ang kampanya para labanan ang human trafficking, at panagutin sa batas ang mga illegal recruiters.

Tiniyak ng Obispo na kabilang ang mga OFW at iba pang mga migrante sa bawat misa upang tulungang hilingin sa Panginoon ang paggabay at kalakasan habang nalalayo sa pamilya.

“Our migrants are always in our prayers, in the celebrations of Holy Masses begging our good Lord to keep them safe, to strengthen them and have sound health,” saad ng Obispo.

Binigyang-diin ng pi­nuno ng CBCP-ECMI ang kahalagahan na mai­padama sa mahigit 10 mil­yong OFWs ang pakikiisa ng mamamayan at matulungang maitaguyod ang kanilang mga karapatan habang nakikipagsapala­ran sa ibayong dagat.

“We are aware of their social conditions and we let them feel we are with them, working for their welfare as to protect rights and promote their dignity,” ayon pa sa obispo.

Umaasa naman si Santos na mabigyan ng patas, makatao at makatarungang trabaho ang bawat OFWs na may pangangalaga at paggalang sa karapatan at dignidad ng buhay at matiyak na susundin ng mga employers ang mga itinakda sa batas para sa mga migrante.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.