BIHIRA mangyari ito. Subalit ayaw kong palampasin ang pagkakataon na ito na ang paksa ay tungkol sa Araw ng mga Puso o Valentine’s Day. Sumakto ang araw na ito, kung saan lumalabas ang kolum ko, ay pumatak sa ika-14 ng Pebrero.
Ang Araw ng mga Puso o ang Kapistahan ng Banal na Puso, ay ipinagdiriwang taon taon tuwing Pebrero 14.
Nagmula ito bilang isang araw ng kapistahan ng Kristiyano na nagpaparangal sa isa o dalawang naging martir sa Kristiyanismo. Ito ay sina Saint Valentine at, sa pamamagitan ng mga kalaunang katutubong tradisyon, ay naging isang makabuluhang kultural, relihiyon, at komersyal na pagdiriwang ng romansa at pag-ibig sa maraming rehiyon ng mundo.
Mayroong mga kuwentong martir na nauugnay sa Araw ng Puso na konektado sa Pebrero 14, kabilang na rito ay ang isang salaysay sa pagkabilanggo ni Saint Valentine ng Roma para sa paglilingkod sa mga Kristiyanong inuusig sa ilalim ng Imperyong Romano noong panahon ng ikatlong siglo. Ayon sa mga kuwento, si Saint Valentine ay gumawa ng milagro at ibinalik ang paningin ng isang bulag na anak na babae na nagbabantay sa kanya sa preso.
Maraming mga kalaunang karagdagan sa alamat tungkol kay Saint Valentine ang mas nakakaugnay nito sa tema ng pag ibig. May isang alamat na lumabas noong panahon ng 18th century ang nag- aangkin na isinulat niya ang anak ng bantay bilangguan ng isang liham na may lagda sa “Your Valentine” bilang isang pamamaalam bago siya pinatay.
Isa pang tradisyon ang nailathala na nagsasagawa raw si Saint Valentine ng mga kasalan para sa mga Kristiyanong sundalo noong panahon na ipinagbabawal ng Imperyong Romano sa kanila ang mag asawa.
Ang ika-14 ng Pebrero ay naging kaugnay ng romantikong pag ibig noong 14th at 15th century nang umunlad ang mga paniniwala at konteksto ng pag-ibig ay maginoo at wagas na kabayanihan na tila inihahambing sa kalikasan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ibon na nagmamahalan o “lovebirds” ng unang bahagi ng tagsibol o spring.
Noong 18th century sa bansang England, tumaas ang antas ng mga mamamayan sa pagdiriwang ng okasyon ng Valentine’s Day kung saan ipinahayag ng mga mag asawa ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bulaklak, tsokolate, at pagpapadala ng mga sulat na may pagbati Happy Valentine’s Day.
Ang mga simbolo ng Araw ng mga Puso na ginagamit ngayon ay kinabibilangan ng puso na kulay pula, mga kalapati, at ang pigura ni Kupido. Mula noong 19th century. Naging komersyo na ang pagdiriwang ng Valentine’s Day na nagbigay daan sa mga mass produced greeting card.
Ang Saint Valentine’s Day ay hindi isang pampublikong pista opisyal sa anumang bansa. Ganun pa man, binabati ko kayong lahat ng HAPPY VALENTINE’S DAY!