PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay upang ganap ng maging batas ang Nobyembre 8 bilang special non-working holiday sa Eastern Visayas.
Ang nasabing deklarasyon ay bilang paggunita sa pananalasa ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.
Inaprubahan ng Senado ang kanilang counterpart bill sa ikatlo at huling pagbasa kung saan binibigyang pagkilala rin ang ‘un-sung heroes’, mga biktima at mga tumulong para sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta noon ng Yolanda na yumanig hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.
Sa ilalim ng panukala, walang pasok sa mga paaralan at trabaho tuwing Nobyembre 8 sa Tacloban City, mga probinsya ng Leyte, Biliran, Southern Leyte, Northern Samar, Western Samar at Eastern Samar.
Mula 2014 ay sinimulan nang gunitain ng mga taga-Eastern Samar ang pananalasa ng supertyphoon alinsunod na rin sa isang local executive order.
Noong Disyembre pa ng nakaraang taon naaprubahan sa Kamara ang ‘Yolanda Commemoration Day Bill’ habang nitong Oktubre naman naipasa sa huling pagbasa ang Senate version o Senate Bill 6591. NENET V
Comments are closed.