MISMONG si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mangunguna sa idaraos na ‘Walk for Creation,’ sa Linggo, Setyembre 1, na ang layunin ay ipagtanggol ang nag-iisang tahanan natin.
Ayon kay Tagle, ang naturang aktibidad na isasagawa ganap na 4:00 ng hapon sa Quezon Memorial Circle ay bilang hudyat ng pagsisimula ng pag-diriwang ng Season of Creation.
Kasabay nito, inanyayahan ni Tagle ang sambayanang Filipino na makiisa at magsama-sama sa naturang aktibidad at nanawagan sa lahat, na matu-tong dumamay at kumalinga sa kapwa.
“Mga minamahal na kapanalig, mga kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay magdiriwang na ng Season of Creation mula September 1 hang-gang October 4. Para po pasinayaan ito, tayo po ay magsama-sama sa Walk for Creation, ito po ay sa September 1st alas-4 ng umaga, atin pong sa-lubungin ang bukang liwayway. Magtipon-tipon po tayo sa Quezon Memorial Circle, doon po tayo magsimulang magpasalamat sa Diyos sa regalo ng kalikasan at ng santinakpan, gayundin matuto tayo na dumamay at magkalinga sa ating kapwa tao,” panawagan pa ng Cardinal.
Hinihikayat din naman ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, bise-Presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang sambayanang Filipino na makiisa at magmalasakit sa kalikasan.
Ayon kay David, nag-iisa lang ang ating planeta kaya marapat na ipagtanggol at pagmalasakitan.
“Makiisa po tayo at magmalasakit, tandaan po ninyo, iisa lang ang ating daigdig wala pong reserbang planeta sa ibang lugar kaya ipagtanggol naman po natin ang ating iisang tahanan. Sabi nga po ni Pope Francis the Earth is our Common home kaya pagmalasakitan po natin,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ