Matuk mo yon? May patron pala ang mga Marites, at anghel pa – si Archangel Gabriel.
Sa buong Kristiyanismo, si Angel Gabriel ang may pinakamaraming trabaho, kasama na dito ang pagtsitsismis na ipanganganak na pala sinaJesus Christ at John the Baptist. Sa Judaism, si Angel Gabriel ay katulong ni Angel at isa ring warrior angel na naglilingkod sa Diyos na Makapangyarihan. Sa Islam, si Gabriel ang nagdikta ng mga dapat isulat sa Banal na Aklat ng Qur’an, sa propetang si Muhammad.
Kaya nga siya ang patron ng mga tagapaghatid ng balita (as in Marites o tsismosa), communication workers (tulad ng mga call center agents) at pati na rin ng mga followers ng Facebook, Instagram, email at iba pa.
Ayon sa Biblia, ipinadala si angel Gabriel ng Diyos sa bayan ng Galilea na tinatawag na Nazareth, upang maghatid ng balita sa isang 14-years na birhen na nakatakdang ikasal sa isang lalaking nagngangalang Jose na mas matanda sa dalaga ng 20 taon. Si Jose ay nagmula sa lahi ni Haring David. Ang pangalan ng dalaga at Maria.
Sa una nilang pagkikita, ninati ni Gabriel si Maria ng ganito:
Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Ipinadala ng Diyos si Gabriel sa Nazareth upang sabihin kay Maria na magkakaroon siya ng anak na lalaki at papangalanang Jesus. Ayon sa anghel, “Siya ay magiging kamangha-mangha at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos.”
Sa Bagong Tipan, (Lucas 1: 19, 26), muling nagbalik si Gabriel bilang dakilang marites nang magpakita siya sa mga magulang ni San Juan de Bautista, upang ipaalam na magkakaroon din sila ng anak kahit nang mga panahong iyon ay kapwa na sila 88 years old. Natural lamang na hindio agad naniwala si Zachariah kaya pinarusahan siya ni angel Gabriel. Naging pipi si Zachariah at nakapagsalita lamang nang isilang na ang kanyang anak na pinangalanan niyang Juan.
Ang pangalang Gabriel ay nangangahulugan sa Hebrew na “Man of God o “God has shown might.” Makikita sa kanyang mga larawan ang sibat sa kanang kamay at mirror of jasper na may letrang X sa kaliwa sa Griyego, X ang unang letra ng Xristus ( Christ) in his left hand. Sinasagisah ng salamin ang hirap ng pag-unawa sa kagustuhan ng Diyos at ang misteryong bumabalot dito.
Si angel Gabriel ang tagapagdala ng mga pangitain – at oo, siya ang messenger of God na lubos na pinagkakatiwalaan, kaya nga masasabing siya ay patron din ng mga kasambahay.
Mahirap maunawaan ang Diyos, ngunit dahil kay Gabriel, kahit paano ay nauunawaan natin siya kung dalisay ang ating puso. Dati, dinarakila si angel Gabriel tuwing March 24 kasama ang ilan pang archangels, ngunit ngayon, may sarili na siyang kapistahan kung Mayo. At ang maganda pa, kinikilala siya ng tatlong Abrahamic religions – ang Judaism, Christianity, at Islam. —one of the archangels.
Kung natatandaan ninyo si Daniel, ang tagasunod ng Diyos, si Gabriel ang nagpaliwanag sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng lalaking tupa at lalaking kambing at upang ipaalam ang prediksyon ng 70 Linggo.
Sa vision ni Daniel, ang ram at he-goat at ang mga hari ng Persia at Greece, na nakatutok sa constellations na siyang halos nagpapatakbo sa Persia at Syria sa tinatawah na Hellenistic astrology.
Ang 70 weeks naman ay ang takdang panahon sa nasabing mga bansa upang tapusin ang kanilang maling gawain, pagsisihan ang mga kasalanan at pagbayaran ang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtutuwid sa kamalian, at higit sa lahat, sa pagpili ng isang matatawag na banal na lugar kung saan mananahan ang mapipiling banal na taong mamumuno.
Tinatawag din si Gabriel na “angel of the Lord” (ἄγγελος Κυρίου – agelus kiriu). Sa mga larawan, ang mga anghel ay may pakpak ngunit walang patunay dito. Ang pakpak umano ay sagisag lamang ng pagpili kay Maria bilang ina ng Diyos.
Si Archangel Gabriel din ang tagapagdala ng katahimikan at kapayapaan sa puso. Kung nais siyang papasukin sa iyong buhay, kailangang buksan mo ang iyong puso at ang iyong isipan. Kung magagawa mo iyon, madarama mo ang kanyang presensya at maliliwanagan ang naguguluminahan mong isipan. RLVN
Prayer to Archangel Gabriel?
O blessed Archangel Gabriel
we beseech thee, do thou intercede
for us at the throne of divine mercy
in our present necessities
that as thou didst announce to Mary
the mystery of the Incarnation
so through thy prayers and
patronage in heaven
we may obtain the benefits of the same
and sing the praise of God forever.