ARCHBISHOP GUMALING SA COVID-19

Florentino Lavarias

GUMALING  na sa sakit na COVID- 19 ang 64-anyos na si Archbishop Florentino Lavarias, ang arsobispo ng Dioecese ng San Fernando, Pampanga.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, nakalabas na ng ospital ang  arsobispo.

Naospital si Arcbishop Lavarias noong Pebrero 27 matapos magpakita ng sintomas ng COVID- 19.

Tiniyak ni Archbishop Lavarias na itutuloy niya ang quarantine sa kanyang bahay.

Pinasasalamatan ng arsobispo ang mga doktor at iba pang hospital workers na nag-alaga sa kanya gayundin ang mga nanalangin para sa kanyang agarang paggaling.

“May God share with you all the graces and blessings that He continues to shower upon me at this very moment,” pahayag ng arsobispo.

Una nang gumaling sa impeksiyon sina Manila Bishop Broderick Pabillo, Cebu Archbishop Jose Palma at retired Auxiliary Bishop Antonio Rañola.

Comments are closed.