ARCHBISHOP NAGBABALA VS SCAMMERS

Emeritus Orlando Cardinal Queved

NAGBABALA  sa publiko ang isang retiradong cardinal laban sa kumakalat na liham na gumagamit ng kanyang pangalan upang maka-panghingi ng donasyon.

Ayon kay Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, wala siyang na­lalaman hinggil sa naturang liham at hindi siya nanghihingi ng donasyon mula sa mga mana­nampalataya.

“To all the people listening to Radio Veritas Manila, I would like to warn you of a scam that has been victimizing some people that consists of using a letter which is supposed to have been signed by me as Cardinal and asking for various donations,” ani Quevedo, sa panayam sa church-run Radio Veritas.

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang kaniyang pangalan sa panloloko, dahil noon umano ay ginamit na rin siya sa paghingi umano ng donasyon para sa pagpapagawa ng tabernakulo sa retirement home ng mga pari ng Arkidiyosesis ng Cotabato at para sa scholarship ng mga seminarista ng Marbel seminary.

Pinaalalahanan naman ni Quevedo ang mga mananampalataya na huwag basta-bastang naniniwala sa mga humihingi ng donas­yon lalo na sa social media para makaiwas sa panloloko.

Batay sa tala ng Philippine National Police (PNP), noong 2015 umabot sa 1,211 ang mga kaso ng online scam ang iniimbestigahan.

Mas dumarami pa umano ang naitatalang panloloko online lalo’t sa Filipinas ay naitala ng Digital 2018 report ng Hootsuite na mahigit sa 60 milyong Filipino ang aktibo sa internet partikular sa social media at naglalaan pa ito ng halos sampung oras sa isang araw para rito.

Ayon pa kay Quevedo, dapat tiyakin ng bawat isa na makatotohanan ang mga natatanggap na sulat o mga nababasa online lalo na kung may kinalaman sa pera, sa pamamagitan nang pagkontak muna sa kanilang tanggapan.

“To be very sure about any appeal for help in my name be sure to contact us first, the office of the Archbishop and ask for any of the priest to verify whether it is true or not,” aniya pa.

Nagbabala na rin ang Kardinal sa iba pang mga Obispo sa Filipinas upang maging alerto sa masamang gawain gamit ang pangalan ng mga lider ng Simbahan.    ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.