HINDI magsasagawa ng prosesyon sa darating na Semana Santa ang archdiocese ng Antipolo City taliwas sa nauna nang naipahayag noong Pebrero 24, 2022.
Sa kanilang Facebook post, nilinaw mismo ni Antipolo Bishop Francisco de Leon sa kanyang liham sa lahat ng pari ng nasasakupan nito kung bakit ipinagbabawal pa rin ang prusisyon at motorcades.
“If the crowd is not controlled, it may elevate the Covid-19 cases. We are still in a pandemic crisis, and we must avoid a resurgence of cases,” de Leon said as one of the two primary reasons for retracting his previous statement. “We must (also) take into account the recent increase in gasoline prices.” anang obispo.
Regular na nagdaraos ang simbahang Katoliko ng mga prusisyon sa tuwing panahon ng Semana Santa at nahinto lamang dahil sa pandemya.
Sa darating na Abril 10-16, 2022 ang petsa ng Semana Santa. Jeff Gallos