ARCHERS BALIK SA TRANGKO

UAAP BASKETBALL

Mga laro sa Sabado:

(Mall of Asia Arena)

12 noon – UST vs UE (Men)

4 p.m. – Ateneo vs DLSU (Men)

NAMAYANI ang De La Salle University sa kanilang unang engkuwentro ng kanilang dating head coach.

Tinambakan ng Green Archers ang University of Santo Tomas (UST), na ngayon ay ginagabayan ni dating La Salle coach Aldin Ayo, ng 27 points, 99-72, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Sa panalo ay balik ang Green Archers sa winning track makaraang yumuko sa University of the ­Philippines sa kanilang naunang laro at ­umangat sa 3-2 kartada.

Nalasap naman ni Ayo at ng Growling Tigers ang ikatlong sunod na kabiguan para sa 1-4 marka.

Ito ang unang pag­haharap ng La Salle at UST sa UAAP magmula nang iwan ni Ayo ang Taft-based school noong Disyembre 2017, matapos na pangunahan ang Green Archers sa titulo sa Season 79 at runner-up finish sa Season 80.

Pumalit kay Ayo sa La Salle ang kanyang longtime assistant, si Louie Gonzalez, na binigyang-diin matapos ang laro na walang personalan ang pagkapanalo niya laban sa kanyang mabuting kaibigan.

Sinamahan naman ng  Far Eastern University, sa likod ng clutch baskets ni Wendel Comboy sa fourth quarter,  ang La Salle sa ikatlong puwesto sa pamamagitan ng 73-68 panalo laban sa win over National University.

Iskor:

Unang laro:

DLSU (99) – Baltazar 22, Melecio 19, Caracut 13, Santillan 11, Go 11, Serrano 10, Bates 6, Manuel 5, Dyke 2, Capacio 0, Corteza 0.

UST (72) – Subido 16, Lee 13, Huang 13, Caunan 8, Cansino 7, Cosejo 5, Marcos 3, Bataller 3, Mahinay 2, Zamora 2, Agustin 0, Ando 0.

QS: 28-13, 54-34, 71-51, 99-72

Ikalawang laro:

FEU (73) – Comboy 18, Tuffin 9, Tolentino 9, Gonzales 9, Orizu 8, Escoto 8, Eboña 6, Parker 4, Cani 2, Stockton 0, Iñigo 0.

NU (68) – Clemente 15, Ildefonso D. 11, Aquino 11, Joson 7, Diputado 6, Yu 6, Ildefonso S. 5, Gallego 3, Gaye 2, Morido 2, Rike 0, TIbayan 0, Malonzo 0.

QS: 20-24, 37-37, 54-49, 73-68

Comments are closed.