Standings W L
*UP 10 1
NU 8 3
Ateneo 6 3
DLSU 4 6
AdU 4 6
UE 4 7
FEU 4 7
UST 1 8
*Final Four
Mga laro sa Linggo:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – Ateneo vs FEU (Men)
1 p.m. – NU vs UST (Men)
3 p.m. – AdU vs UE (Men)
6:30 p.m. – UP vs DLSU (Men)
ISINALPAK ni CJ Austria ang unang buzzer-beater sa UAAP men’s basketball tournament at naiganti ng La Salle ang kanilang first-round overtime loss sa Adamson sa kapana-panabik na 81-78 panalo kahapon sa Araneta Coliseum.
Sa tira na maaaring makasalba sa season ng Green Archers, ipinasok ni Austria ang corner three-pointer habang paubos ang oras, na tumapos sa four-game losing skid ng Taft-based squad kahit wala si injured guard Schonny Winston sa ikatlong sunod na laro.
Nanatili ang La Salle sa kontensiyon para sa ikalawang sunod na Final Four stint na may 4-6 record, katabla ang kanilang biktima sa fourth place.
Sa iba pang laro, ginapi ng defending champion University of the Philippines at National University ang kani-kanilang katunggali para mapatatag ang kapit sa 1-2 positions sa standings.
Lumapit ang Fighting Maroons sa pagkopo ng unang twice-to-beat slot sa Final Four sa wire-to-wire 73-59 victory kontra Far Eastern University.
Naitala ni PJ Palocielo ang walo sa 10 points sa payoff period at lumapit ang Bulldogs sa pagtapos sa seven-year Final Four sa 70-61 panalo laban sa University of the East.
Nahila ng UP ang kanilang winning run sa pitong laro para sa league-best 10-1 mark, habang naitala ng NU ang ikatlong sunod na panalo para sa 8-3 kartada sa second place.
Iskor:
Unang laro:
DLSU (81) — Austria 16, M. Phillips 14, B. Phillips 14, Nonoy 8, Quiambao 8, Abadam 6, Nwankwo 6, Nelle 5, Estacio 4, Macalalag 0, Cortez 0, Manuel 0.
AdU (78) — Yerro 18, Flowers 15, Hanapi 10, Jaymalin 10, Douanga 10, Manzano 6, Sabandal 3, Colonia 2, Barasi 2, Fuentebella 2, Torres 0, Barcelona 0, W. Magbuhos 0.
QS: 23-23, 40-42, 57-62, 81-78
Ikalawang laro:
NU (70) — Palacielo 10, Clemente 10, Figeuroa 9, Galinato 9, John 8, Malonzo 7, Enriquez 6, Manansala 5, Baclaan 2, Yu 2, Mahinay 2, Minerva 0, Padrones 0.
UE (61) — Stevens 14, Villegas 13, Payawal 12, Pagsanjan 7, K. Paranada 6, N. Paranada 5, Sawat 4, Tulabut 0, Remogat 0, Antiporda 0, Gilbuena 0.
QS: 16-13, 35-24, 48-39, 70-61
Ikatlong laro:
UP (73) — Spencer 19, Diouf 11, Tamayo 10, Abadiano 9, Lucero 8, Cagulangan 6, Alarcon 6, Galinato 3, Ramos 1, Calimag 0, Torculas 0, Eusebio 0, Lina 0, Gonzales 0, Andrews 0.
FEU (59) — Bautista 12, Añonuevo 10, Gonzales 9, Tchuente 9, Sleat 7, Torres 7, Alforque 3, Sajonia 2, Tempra 0, Sandagon 0, Ona 0, Bagunu 0.
QS: 22-18, 43-32, 58-42, 73-59.