ARCHERS PINATAHIMIK ANG TIGERS

archers

Laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

12 noon – NU vs UE (Men)

4 p.m. – Ateneo vs UP (Men)

NAGPASABOG si ­Encho Serrano ng career-high 29 points nang pulbusin ng La Salle ang University of Santo Tomas, 92-77, upang mainit na tapusin ang kanilang first round campaign sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Bibitbitin ng Green Archers ang 3-4 record sa second round, subalit ang panalo ang lubhang kinakailangan ng Taft-based cagers upang mapataas ang kanilang morale.

Si Serrano ang nagbigay ng lakas sa pinakamalaking panalo ng La Salle sa season, kung saan nagsalpak ang Pampanga native ng 13-of-22 mula sa field at kumalawit ng 5 rebounds.

“Ako, kaya ko siguro nagawa iyon kasi minotivate ko sarili ko na ‘yung tiwala sa akin ng coach ko, maibalik ko. Minsan kinakausap na nila ako kung bakit ang tahimik ko. Kilala nila ako, e. Nakikita nila ako na maingay lagi, laging tumatawa pero ngayon lagi akong tahimik,” ani Serrano.

Bumagsak ang UST sa 4-3 sa ikatlong puwesto sa likod ng defending champion Ateneo at University of the Philippines, na pag-aagawan ang top ranking sa first round sa rematch ng last year’s Finals ngayong alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa iba pang laro, tumipa sina Xyrus Torres at Pat Tchuente ng tig-21 points nang makabawi ang Far Eastern University mula sa 22-point loss sa National University sa pamamagitan ng 83-71 paggapi sa Adamson.

Naipuwersa ng Tamaraws ang three-way tie sa Archers at Falcons mula sa ika-4 hanggang ika-6 na puwesto upang higit na maging kapana-panabik ang karera para sa huling  Final Four slot.

Iskor:

DLSU (92) – Serrano 29, Melecio 26, Malonzo 13, Bartlett 7, Caracut 6, Baltazar 4, Hill 3, Bates 2, Manuel 2, Pado 0.

UST (77) – Paraiso 22, Chabi Yo 16, Abando 9, Nonoy 9, Concepcion 8, Huang 4, Subido 4, Ando 2, Cansino 2, Bataller 1, Cuajao 0, Pangilinan 0.

QS: 20-14, 42-32, 67-58, 92-77

Ikalawang laro:

FEU (83) – Tchuente 21, Torres 21, Stockton 10, Comboy 9, Gonzales 9, Eboña 8, Nunag 4, Cani 1, Alforque 0, Bienes 0, Tuffin 0.

AdU (71) – Chauca 14, Ahanmisi 12, Douanga 11, Manlapaz 10, Camacho 7, Yerro 7, Lastimosa 4, Mojica 4, Zaldivar 2, Bernardo 0, Flowers 0, Fermin 0, Magbuhos 0, Orquez 0.

QS: 22-15, 38-31, 68-52, 83-71

One thought on “ARCHERS PINATAHIMIK ANG TIGERS”

Comments are closed.