Standings W L
UP 4 0
DLSU 3 1
UST 3 1
AdU 2 2
UE 2 2
Ateneo 1 3
NU 1 3
FEU 0 4
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
11:30 a.m. – DLSU vs FEU (Women)
1:30 p.m. – AdU vs NU (Women)
4:30 p.m. – DLSU vs FEU (Men)
6:30 p.m. – AdU vs NU (Men)
(Adamson Gym)
8 a.m. – DLSZ vs FEU-D (JHS)
9:45 a.m. – AdU vs NUNS (JHS)
SISIKAPIN ng defending champion La Salle, galing sa shock loss sa University of the East, na makabawi kontra inaalat na Far Eastern University sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.
Matapos ang 71-75 pagkatalo sa Red Warriors noong Linggo, tututukan ang Green Archers sa kung paano sila tutugon mula sa naturang pagkatalo sa 4:30 p.m.showdown sa Tamaraws.
Umaasa ang Adamson at National University na makabalik sa win column sa alas-6:30 ng gabi
Sa pagkatalo ng La Salle, ang una sa apat na laro, nakuha ng University of the Philippines ang solo lead na may 4-0 record. Ang lahat ng apat na panalo ng Fighting Maroons ay sa double digit fashions.
Mahihirapan ang FEU, lalo na’t inaasahang ibubunton ng Green Archers ang kanilang ngitngit sa Tamaraws.
Ang pagkatalo sa UE ay nagsilbing wake up call para sa La Salle na nagtatangka sa back-to-back title run sa unang pagkakataon magmula noong 1998-2001.
Wala pa ring panalo sa apat na laro sa ilalim ni bagong coach Sean Chambers, sisikapin ng FEU na makaiwas sa ikalawang 0-5 simula sa huling tatlong seasons.