Standings W L
UP 7 1
NU 7 2
DLSU 6 3
Ateneo 4 4
AdU 3 5
FEU 3 5
UE 3 6
UST 1 8
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
9 a.m. – UST vs DLSU (Women)
11 a.m. – Ateneo vs UE (Women)
2 p.m. – AdU vs FEU (Men)
6 p.m. – UP vs Ateneo (Men)
NAIPOSTE ni Kevin Quiambao ang unang triple-double sa UAAP men’s basketball tournament sa loob ng limang taon at lumapit ang La Salle ng isang laro sa National University para sa karera sa No. 2 spot sa Final Four sa 88-78 panalo kagabi sa Mall of Asia Arena.
Kumamada ng 17 points, 14 assists at 11 rebounds, si Quiambao ay naging unang player matapos ni rookie CJ Cansino na nagtala ng triple-double.
Naglalaro noon para sa University of Santo Tomas, si Cansino ay nakalikom ng 20 points, 14 rebounds at 10 assists sa 79-68 panalo kontra University of the East noong October 28, 2018.
Ang 14 assists ni Quiambao ang pinaka- bagong record din ng liga, nalampasan ang 13 assists ni Noy Remogat sa 75-83 pagkatalo ng Red Warriors sa Green Archers noong Oct. 21.
“First of all, nanggal- ing naman lahat yan sa system nila coach. Nag doble effort lang ako dahil ung first round nga natalo kami sa NU so parang may gusto akong patunayan na hindi na pwede maulit yun,” sabi ni 6-foot-8 Quiambao.
Naiganti ang kanilang 77-80 overtime defeat sa first round, napanatili ng Green Archers ang kapit sa third spot sa 6-3, isang laro lamang sa likod ng 7-2 Bulldogs, na naputol ang five-game winning streak.
Sa pagkatalo ng NU ay inangkin ng University of the Philippines ang solo lead sa 7-1. Makakasagupa ng Fighting Maroons ang defending champion Ateneo ngayong alas-6 ng gabi sa Mall of Asia Arena ss rematch ng kanilang
epic first round overtime meeting noong nakaraang linggo.
Sa unang laro, pinutol ng Red Warriors ang fivegame slide at bumalik sa Final Four race sa 86-73 pagbasura sa Growling Tigers.
Iskor:
Unang laro:
UE (86) – Momowei 17, Sawat 17, Galang 11, Remogat 9, Fikes 7, Spandonis 6, Tulabut 6, Cruz-Dumont 5, Maglupay 4, Lingolingo 4, Langit 0, Gilbuena 0, Alcantara 0.
UST (73) – Pangilinan 20, Cabañero 18, Calum 11, Duremdes 7, Manaytay 4, Manalang 3, Crisostomo 3, Ventulan 3, Laure 2, Lazarte 1, Moore 1, Llemit 0.
QS: 29-19, 55-46, 67-53, 86-73
Ikalawang laro:
DLSU (88) – Qui- ambao 17, Policarpio 15, Nelle 14, Nonoy 10, Cortez 9, Macalalag 7, Nwankwo 5, David 4, Escandor 4, Abadam 3, Austria 0, B. Phillips 0, Gollena 0.
NU (78) – John 16, Baclaan 11, Malonzo 10, Lim 10, Figueroa 9, Palacielo 9, Casinillo 6, Gulapa 5, Parks 2, Yu 0, Galinato 0.
QS: 24-26, 50-39, 69-55, 88-78.