Mga laro sa
Miyerkoles:
(Filoil Flying V Centre)
1 p.m. – Ateneo vs UE (Men)
4 p.m. – UP vs AdU (Men)
NAKATABLA ang Far Eastern University at De La Salle sa ikalawang puwesto makaraang dispatsahin ang magkahiwalay na katunggali sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Dinurog ng Tamaraws ang University of the Philippines, 89-73, habang naitala ng Green Archers ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 82-72 pagbasura sa University of the East.
Sinamahan ng FEU at De La Salle ang defending champion Ateneo sa 2-1 upang manatiling nakadikit sa league-leading Adamson University (3-0).
Maagang naghabol ang Fighting Maroons, nalasap ang ikalawang sunod na pagkatalo matapos ang 29-point win laban sa Red Warriors sa opener, sa 0-8 at nalamangan ng hanggang 25 points.
“‘Yung 8-0 run was an effect of our defense. Nagalit ako noong nag-10-0 run sila because we are trying to look to stop their run with offense. Hindi dapat iyon,” wika ni coach Olsen Racela makaraang makabawi ang FEU mula sa 74-76 pagkatalo sa University of Santo Tomas noong nakaraang linggo.
“But well, I guess we caught UP on an off-night, limiting them to 70-plus. Maganda ang execution namin, especially on the defensive end,” sabi pa niya.
Abante ang Archers sa 52-32 nang pangunahan ni Alvin Pasaol ang Red Warriors sa paghahabol sa fourth quarter upang tapyasin ang kalamangan sa 67-77, may 1:42 ang nalalabi.
Kasunod nito ay naisalpak ni Andrei Caracut ang dalawang free throws at naipasok ni Aljun Melecio ang isang tres na nagbigay sa La Salle ng komportableng 82-67 bentahe sa huling 56.9 segundo.
Nanguna si Nigerian Prince Orizu para sa FEU na may 15 points at 7 rebounds habang nag-ambag sina Arvin Tolentino at Wendell Comboy ng 13 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.
Bumagsak ang UP sa 1-2 kartada, kasama ang University of Santo Tomas at National University, habang nanatiling walang panalo ang UE sa tatlong laro.
Iskor:
Unang laro
FEU (89) – Orizu 15, Tolentino 13, Comboy 12, Parker 11, Iñigo 11, Cani 8, Eboña 8, Tuffin 5, Stockton 3, Gonzales 2, Escoto 1, Bayquin 0.
UP (73) – Gomez de Liaño Ja. 15, Gomez de Liaño Ju. 13, Manzo 11, Desiderio 10, Akhuetie 9, Prado 8, Vito 3, Murrell 2, Lim 2, Jaboneta 0, Tungcab 0, Gozum 0, Dario 0, Spencer 0.
QS: 25-13, 49-35, 69-46, 89-73
Ikalawang laro
DLSU (82) – Baltazar 16, Melecio 16, Serrano 11, Go 10, Caracut 9, Santillan 6, Dyke 5, Bates 3, Manuel 2, Montalbo 2, Corteza 2, Capacio 0.
UE (72) – Pasaol 22, Varilla 14, Manalang 11, Bartolome 6, Maloles 5, Cullar 4, Gallardo 4, Acuno 2, Strait 2, Lacap 2, Antiporda 0, Beltran 0, Guion 0.
QS: 21-14, 39-27, 59-45, 82-72
Comments are closed.