Mga laro ngayon:
(Ynares Center)
2 p.m. – DLSU vs UST (Men)
4 p.m. – NU vs UP (Men)
SISIKAPIN ng La Salle na makaulit sa University of Santo Tomas sa kanilang muling paghaharap sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Wala namang ibang hangad si Growling Tigers coach Aldin Ayo kundi ang makausad sa Final Four kaya gagawin nito ang lahat para mamayani sa Green Archers para mapalakas ang kanilang kampanya.
“We have to prepare the usual things that we do,” wika ni Ayo patungkol sa 2 p.m. showdown nila ng La Salle.
“Ang importante rito, ‘yung competition, hindi ‘yung kung sinong mga team na involved at kung sino ang mga taong involved, eh. Ang importante rito is how to compete. The thing that we do is one for UST. We just do our best. Play our best for our school,” dagdag pa niya.
Ganito rin ang pananaw ni coach Louie Gonzalez, na bago sila naghiwalay ng landas noong nakaraang taon ay long-time trusted assistant ni Ayo, kung saan pagtutuunan ng pansin ng Archers ang maduplika ang kanilang 99-72 first round victory.
“Just like in our first game, we are not thinking of everything. We are just focused on the game,” wika ni Gonzalez.
Ang nasa isip ngayon ng La Salle ay ang manatiling nasa ‘top four’, kung saan ang Taft-based squad (6-4) ay may one-and-a-half game cushion sa joint fifth placers University of the Philippines at Far Eastern University (5-6) sa karera para sa huling Final Four berth.
“We are still in one direction, one game at a time. In the second round, every game counts. Every win counts,” ani Gonzalez.
Krusyal din ang laro para sa fourth-running Tigers, na sa 5-5 ay kalahating laro lamang ang angat sa Fighting Maroons at Tamaraws.
Sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon ay sisikapin naman ng UP na makabawi mula sa 72-80 pagkatalo sa Adamson noong nakaraang Linggo laban sa National University.
Comments are closed.