ARCHITECTURE STUDENT NADAGANAN NG PADER TODAS

BATAAN-DEAD on arrival sa pagamutan ang isang architecture student matapos na madaganan ng pader ng isang mall na binangga ng isang pampasaherong bus na naganap sa lalawigang ito.

Batay sa report ng pulisya, ang biktima ay ang architecture student ng Bataan Peninsula State University na si Jen Orviel Titulo, 20 taong gulang at nakatira sa Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan.

Habang sugatan naman sa naturang insidente ang dispatcher ng bus na nakilalang si Christopher Poblete, 57-anyos at residente ng Brgy. Gugo, Samal ng nasabing lungsod, matapos na mahulog sa mula sa nasabing bus.

Agad namang isinugod ang mga biktima sa Bataan General Hospital, subalit idineklarang DOA si Titulo habang si Poblete ay patuloy pa ring nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan.

Sa inisyal report ni Lt. Colonel Sonia Alvarez, chief of police ng Balanga City Police Station kay Bataan Provincial Police Office (BPPO) Director Colonel Palmer Tria, naganap ang insidente dakong ala-6:50 ng gabi sa Transport terminal ng isang mall sa Balanga, Bataan.

Lumitaw sa imbestigasyon, naapakan umano ni Poblete ang silinyador ng bus at mabilis na umabante ito at bumangga sa pader at bumagsak at nadaganan ang biktima na nakapila at naghihintay ng bus patungo sa Mariveles.

Nakatakda namang sampahan ng kasong reckless, imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property ang naturang driver ng pampasaherong bus. EVELYN GARCIA